Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sweetness nina James at Nadine, hanggang TV lang

Sweetness nina James at Nadine, hanggang TV lang

033015 Jadine
IYONG bang post ni James Reid sa kanyang social networking account ay isang pag-amin na magka-love team nga sila ni Nadine Lustre at hanggang doon na lang iyon? Kasi sa tono ng salita ni James, sinasabi niyang may sarili siyang buhay, at alam niya kung ano ang gagawin niya sa buhay niya. Hindi dapat pinakikialaman ng kahit na sino ang kanyang lovelife.

READ MORE:  Magna carta of movie workers, maipatutupad na kaya?

Kung iisipin, may point naman diyan ang male star na iyan na ayaw sa mga tabloid writer, at minsan ding nagsabing ok lang na magsinungaling sa mga tabloid. Ewan namin kung nagsasabi siya ng totoo sa kanyang social media account. Pero matindi iyong post na iyon.

Kasunod iyan ng mga tsismis na namang bago, at iyong mga inilabas na pictures ng mga nagseselos na fans na kasama ni James ang ibang babae. Roon sa sinabi ni James parang sinabi na rin niya ng diretsahan, “wala kayong pakialam. Buhay ko ito.”

READ MORE:  Bistek, ‘di pasado sa anak ni Tetay na si Bimby

Sinasabi nga namin may point naman. Kung talaga namang hindi sila nagkakagustuhan ni Nadine sa totoong buhay, hindi ba matanggap na lang ng kanilang fans na oo, love team sila pero hanggang doon na lang iyon. Huwag nilang pilitin na gawing totohanan iyon. Hindi rin naman talaga maganda iyong pipilitin ninyo sila dahil sa inyong sariling ilusyon.

READ MORE:  Ozawa, nagka-career sa Happinas Happy Hour

Make believe lang naman iyang mga pelikula at TV shows. Tanggapin na ninyong ganoon lang talaga iyon.

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved