Monday , August 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Collector Ed Macabeo at Depcomm Ariel Nepomuceno (Dedicated Customs Officials)

Collector Ed Macabeo at Depcomm Ariel Nepomuceno (Dedicated Customs Officials)

00 parehas jimmyMAY isang lider sa Customs na magaling at may puso sa mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs). At palaging iniaalay ang buhay niya sa tawag ng kanyang tungkulin lalo na sa pagsugpo sa pagkalat ng ilegal na droga sa ating bansa.

Ito ang aking panayam sa kanya tungkol sa mga ilegal na droga na nahuhuli sa NAIA. Handa siyang ialay ang kanyang buhay kahit na ilang death threat pa ang matanggap n’ya dahil lamang sa nahuhuli niyang mga droga lalo na ‘pag may courier na ‘di alam na droga pala ang ipinapadala sa ibang bansa.

Ganyan kaalerto si NAIA Customs district collector Edgardo Macabeo. The best customs official siya talaga! Naging inspiration niya ang kanyang anak dahil nagulat siya sa sinabi ng anak na isang designer sa Singapore.

“Daddy kawawa ang ating mga kababayan sa Singapore. Ang liit ng tingin nila pag Filipino.” Ang tingin ng mga Singaporean sa Filipino ay ka-tulong at drug courier.

Ang sabi ni Collector Macabeo sa akin, “Pareng Jimmy, alam mo, kaya ako nag-create ng Task Force laban sa illegal na droga dahil nga riyan sa sinabi ng anak ko at sabi ko gusto kong mabago ang bad perception nila sa atin.

“Kaya naman umaga’t hapon, almusal ko death threat dahil sa kampanya ko laban sa ilegal na droga. ‘Di bale na mahuli sila rito ‘wag sa Singapore kasi sigurado bitay sila roon. Pare aanhin mo ang pera ‘di mo naman madadala ‘yan. Simple living lang tayo,” dagdag ni Macabeo.

Mabuhay ka Coll. Ed Macabeo!

***

Isa pang hinahangaan natin na official ng customs dahil sa kakaibang paninilbihan sa Bureau ay si BOC DepCcomm. Ariel Nepomoceno.

Napaka-down to earth at ‘di marunong manira ng kapwa, ayon sa rank and file ng BOC.

Si Nepomuceno ay ‘di marunong manapak ng kapwa. Siya ay laging para sa tama. Patakaran niya sa buhay niya, kung may mali at illegal ka ay huhulihin ka niya.

Para sa bayan, lalabanan niya whoever gets hurt. “I don’t care, whatever, basta para sa ba-yan,” aniya.

Di n’ya kailangan ng dirty money. Maganda ang track record at maganda ang serbisyo niya sa BOC. Ang prayoridad niya ay pag-ibayuhin pa ang anti-smuggling  drive ng BOC para suporta-han ang “Daang Matuwid” ni PNoy at Commissioner Bert Lina.

Saludo kami kay Nepo!

***

Isang Arnel Nero at Sheryl Ukay-Ukay ang dapat bantayan ng Customs Intelligence at Enforcement group sa kanilang mga kontrabando sa pier.

***

Nananawagan tayo sa NBI-IPR, na imbestigahan at  busisiin ang bodega ni Frank Wong sa Vitas, Tondo na naglalaman ng mga pekeng produkto mula sa China.

***

Isang alyas MIG at kapatid nito ang namama-yagpag ngayon sa smuggling sa pier. Paging BOC Intel Jessie Dellosa!

May katapusan din ang kasakiman d’yan sa Assessment sa Port of  Manila. Tatahimik pero mga tirador pala ng mga plastic resin. ‘Yung isa naman sa bakal, akala mo walang kamuwang muwang pero tirador pala at may brokerage pa.

Bantayan!

***

Sa Bureau of Immigration naman, ang daming ipokrito diyan. Karamihan ng nasa posisyon diyan ay nasa baldog ring hustler at educated mafioso hustler.

Kaya demoralized ang mga empleyado dahil sila lang daw ang kumikita. Dapat ipatupad na ang lifestyle check sa immigration.

Totoo ba ang report na si Fred Mison ang pinaka-worst Bureau of Immigration Commissioner? May nagsabi pa sa atin: “Boss Jimmy magpaimbestiga ka, malalaman mo kung sino ang kalawit gang sa immigration.”

Totoo ba ‘yan!?

***

God bless us all!

About Jimmy Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top