Wednesday , April 24 2024

Feng Shui: Kalusugan ng pamilya nakadepende sa bahay

00 fengshuiKUNG batid mo ang eksaktong uri ng chi na iyong kailangan upang mapabuti ang iyong kalusugan, maaari mong muling likhain ang chi sa bahagi ng iyong bahay na kung saan mo ginugugol ang halos lahat ng sandali ng iyong panahon.

Halimbawa, kung kailangan mo ng more upward chi, maaari kang maupo sa silangang bahagi ng iyong bahay nang nakaharap sa silangan.

Mas magiging malakas ang epekto kung ikaw ay napaliligiran ng matataas na mga halaman, dahil ito’y nagpapataas ng upward direction ng pagdaloy ng chi.

Sa pangkalahatan, mas magiging madali para sa iyo ang pagmantina ng magandang kalusugan kung ang bahay ay:

* Naiilawan ng natural light, kabilang ang sikat ng araw

* Yari sa natural na mga material

* Mayroong iba’t ibang klase ng halaman sa loob

* Furnished ng mga bagay na yari sa natural fabrics and materials.

* Malayang napapasok ng hangin araw-araw

* Nasa lugar na malinis ang hangin

* Napaliligiran ng natural vegetation at mga puno.

Mahihirapan kang mapanatili ang magandang kalusugan kung ang bahay ay:

* Malapit sa high-voltage electrical power lines.

* Malapit sa high-voltage electric railway line

* Nakatayo sa toxic waste ground

* Gumagamit ng fluorescent lighting

* May synthetic carpets, fabrics o bedding

* Palaging basa, malamig at may mildew

* Madilim (a basement o north-facing home)

* Malapit sa busy, high-volume road

* Marumi o maalikabok

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *