Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julia, effective ang pagiging Kara at Sara sa Doble Kara

Julia, effective ang pagiging Kara at Sara sa Doble Kara

090915 julia montes doble kara

00 SHOWBIZ ms mNAPAPANOOD namin ang Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes sa pamamagitan ng iWantTV. Natutukan kasi namin ang pilot episode nito at nagandahan kami kaya naman lagi namin siyang pinanonood sa gabi sa pamamagitan nga ng iWantTV.

Sa bagong teleserye ni Julia, makikita ang pag-evolve ng kanyang pag-arte. Talagang sa bawat teleseryeng ginagawa ng batang aktres, kinakikitaan ng improvement ang pag-arte niya. Lalo ng ngayong dalawang karakter ang ginagampanan niya na hindi biro ang hirap.

Nakahihinayang lang na hindi ito nailagay sa primetime na puwedeng-puwede dahil maganda ang istorya bukod pa sa magagaling ding artista ang nakasuporta kay Julia tulad nina Mylene Dizon, Carmina Villaroel, at Ariel Rivera.

Anyway, marami pa rin ang nag-aabang sa Royal Prinsesa ng Drama kahit nasa afternoon ang kanyang teleserye dahil ayon sa Kantar tinatalo nito ang katapat na programa sa kabilang estasyon.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top