Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JayR, Kris, at Billy nagsanib-puwersa para igawa ng kanta si Sec. Roxas

JayR, Kris, at Billy nagsanib-puwersa para igawa ng kanta si Sec. Roxas

090915 Kris Lawrence Billy Crawford JayR

00 SHOWBIZ ms mDAHIL sa paghanga at pagka-inspired, nakagawa ng awitin sina JayR, Kris Lawrence, at Billy Crawford para kay Sec. Mar Roxas. Ito ay pinamagatan nilang Fast Forward na isang R&B song.

Anang tatlo, sobra silang humanga kay Roxas matapos nilang makausap sa isang pagtitipon. Isang feel good, upbeat R&B music ang Fast Forward na nakasulat sa Ingles kaya naman kinailangan pa itong isalin sa Tagalog ni Vehnee Saturno at binigyan ng areglo ni Marcus Davis Jr.

Ang Fast Forward ay isang inspirational song na tumatalakay sa pagdiriwang ng kapangyarihan ng bawat Filipino para sa ikauunlad ng bansa. Naka-sentro ang lyrics sa kahalagahan ng pagkakaisa para sa mas magandang kinabukasan.

Unang napakinggan ang Fast Forward sa radyo noong Agosto 1, sa araw ng pag-endoso kay Mar at pagdeklara nito sa makasaysayang Club Filipino bilang Presidential candidate ng Liberal Party.

“Ito ang aming paraan para ipakita ang aming tiwala at suporta kay Mar bilang karapat-dapat na Presidential candidate,” ani Billy. “Alam namin na kaya niyang magdulot ng marami pang pagbabago para sa bansa. In producing this song, we hope to help the youth in understanding the importance of their responsibilities as voters. Hangad namin na ma-realize nila na nasa kanila ang kapangyarihang magdesisyon upang magkatotoo ang pagbabago.”

Sabi naman si Kris, “The song is our gift to Mar, and surprisingly, it came to us in a flash of inspiration and was done in 30 minutes. It is our calling as artists to channel that inspiration into something positive. Suwerte rin kami dahil sinuportahan kami ni Tito Vehnee Saturno. He helped us translate the original English lyrics to a more moving Tagalog song.”

Ayon naman kay JayR, “Nararamdaman ko ang sincerity ni Mar every time he talks about us Filipinos. I immediately got inspired to write the song with Kris and Billy. We came up with the song to support Mar’s vision for the country as we believe in the many causes he is advocating.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top