Saturday , April 20 2024

Enchong, Rayver, at Sam, mga anghel na pinagnanasaan

082415 enchon sam rayver Nathaniel

00 fact sheet reggeeNAPAPAILING kami kasi may malisya ang avid viewers ng Nathaniel dahil pinagnanasaan nila ang tatlong anghel na sina Enchong Dee, Rayver Cruz, at Sam Milby dahil ang gaganda raw ng katawan, palibhasa kita ang abs nila.

Kanya-kanyang paboritong anghel ang viewers pero sa episode noong Lunes ay si Sam ang ipinakitang anghel na sumagupa sa alalay ng tagasundong si Baron Geisler.

Ilang gabi na lang at malapit ng matapos ang Nathaniel kaya naman sunod-sunod na nabubuking ang lahat ng sikreto ng magkapatid na David Chua at Isabelle Daza na nagpapanggap sa ibang pangalan.

Mula nang umere ito noong Abril ay parating panalo sa national TV ratings ang Nathaniel dahil sa magagandang episode na pagtuturo at pagpapaalala nito ng likas na kabutihan ng tao.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ay magtagumpay kaya si Nathaneil sa kanyang misyon na ibalik ang pananampalataya ng tao sa Diyos? Mapipigilan nga ba niya ang masasamang plano ng Tagasundo (Baron) laban kina Paul (Gerald Anderson) at AVL (Coney Reyes)? Sa huli, ano nga ba ang gagawin nina Paul at Rachel (Shaina Magdayao) kapag natuklasan nila na ang batang anghel pala ang namatay nilang anak.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng Nathaniel gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 
FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *