Wednesday , April 24 2024

Lolo nalaglag sa hagdan, patay

BINAWIAN ng buhay ang isang 65-anyos lolo makaraang mahulog sa hagdan dahil sa kalasingan kamakalawa ng gabi sa Tayuman, Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Antonio Espinar, alyas Tony, stay-in helper sa BKM House sa PNR Compound, Tayuman, Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Noel Santiago, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 6:30 p.m. sa nabanggit na lugar.

Bago ang insidente, nakitang nakikipag-inoman ang biktima sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Pagkaraan ay nakita ni Michael Paul Cruz, 28, ang nakahandusay at wala nang buhay na biktima malapit sa hagdanan.

Pinaniniwalaang habang paakyat sa kanyang kuwarto ang biktima ay nahulog dahil sa kalasingan. 

About Leonard Basilio

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *