Friday , April 19 2024

Denise, ‘di pa kuntento sa naaabot ng career

080815 denise laurel 

00 fact sheet reggee“PARANG hindi ko maiwan-iwan ang ‘Pinas tingin ko, it’s the challenge of it kasi eversince noong bata ako, ina-assume ng mga tao porke’t Laurel (famous clan) ako, hindi ko pinagtatrabahuan ang lahat, akala nila de subo lahat, hindi nila alam extra ako nang mag-start ako, taxi, jeep lahat.

“Eight years old ako, naglalakad ako from Edsa (Mandaluyong) to AFP (Camp Aguinaldo Gate), basta lahat nasubukan ko, nag-audition, na-turned down, so feeling ko, nandito ‘yung challenge, I taught myself to better speak Tagalog parang akala ko magaling ako mag-Tagalog tapos napanood ko ‘yung sarili ko ‘Pangako Sa ‘Yo’, ang panget, worst acting ever, mga 11 years old ako noon, kaya sabi ko (sarili) I’m gonna teach myself and then I’m gonna listen to myself.  Kaya ‘yung maliliit na challenges na ‘yun na hindi ko maiwan-iwan.

“Kaya kung pupunta ako sa states, gusto ko may pangalan na ako rito, may na-establish na ako rito bago ako (mag-audition sa Hollywood), pero baka 40 (years old) na ako bago mangyari ‘yun,” ito ang pahayag ni Denise Sanz Laurel nang tanungin namin kung naisip niyang mag- audition sa Hollywood na ginagawa ngayon ng mga local artist.

Mahusay na artista si Denise kaya tinanong namin kung may acting award na siya sa rami ng TV series at sa ngayon ay kasama siya sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

“No, and I doubt If ever I can get an award, hindi ko iniisip ang award, mas iniisip ko kung anong gusto ng direktor ko, anong kailangan sa script. Hindi nga ako nakakapanood ng TV kasi ang focus ko kapag nasa trabaho ako, trabaho lang talaga, pag-uwi ko I have my son, I have my parents, so hindi ako nakakapanood ng TV, hindi ko alam kung ano ang chikka (showbiz chismis), ang gossip, maski na ikuwento sa akin, ayaw kong marinig kasi alam ko ‘yung feeling na napagtsitsismisan, so hindi I play dumb na lang,”katwiran ng aktres.

Hindi lang mahusay na artista si Denise, kundi magaling din siyang mang-aawit. Mas una nga siyang nakilala bilang singer, pero isinantabi ito ng aktres at nag-concentrate sa acting.

Kaya naman sobrang saya niya nang mapasama siya sa ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar.

Kuwento ni Denise, ”pressure marami para sa sarili ko, teaser palang ng unang season (‘YFSF’), I said, I wanna do that, I wanna be there gusto ko ‘yan, kasi akala ko every weekend ibang set of artists kaya sabi ko I wanna audition. The moment there’s an audition, call me, I want to be there.

“Sabi sa akin, it’s the whole season (same artists), so sabi ko, maghihintay ako for season 2, gusto ko unang day palang ng audition nandiriyan na ako, first thing in the morning, hindi ako natulog the night before, bagong gising talaga.”

At saka nagkuwento si Denise kung bakit siya sumali.

“Kasi roon ako na-discover ni Mr. M (Johnny Manahan) sa musical theater, when I thought that it’s been 10 years almost since I’ve sung, or dance on stage, so I wanted to get back in touch with that kung kaya (kumanta) ko pa kung nandiyan pa ang boses ko, kasi for a time, sinabi ko (sarili), ‘hmp, nobody wants to hear me naman, so acting na lang talaga.

“So kinalimutan ko na talaga ‘yung boses ko, kinalimutan ko na ‘yung pagsasayaw, now that I have the chance, more than two lines na ‘yung kakantahin ko, I was so excited, so sa audition, It feels great, kasi at least naibigay ko ‘yung audition (song) ko, maibigay ko ‘yung puso ko,” paliwanag ng aktres.

Base sa pananalita ni Denise ay ramdam na may pinaghuhugutan siya ng sama ng loob.

Bakit nga ba hindi na niya itinuloy ang pagiging singer niya.

“I think the reason nga why I joined (‘YFSF’) is gusto kong makita kung kaya ko pa (kumanta), kasi talagang hindi ko na ginamit ang boses ko, hindi ko na inalagaan,” kuwento ng aktres.

Totally hindi pala talaga kumanta si Denise, maski sa bahay nila o corporate shows, ”wala talaga, nawalan ako ng gana, nagalit ako sa self ko, naisip ko na baka ako lang sa sarili ko ang marunong kumanta, pero sa ibang tao, hindi (pala). If you’see me (behind the scenes ng ‘YFSF’), you see me struggle talaga, the first few palang, ang daming doubt,” kuwento ng aktres.

Dagdag pa, ”hindi kasi ako choosy, kung anong ibigay sa akin sa audition o itinawag sa akin gagawin ko maski saan ako dalhin.

“Everything that they need me, go, I gave my 200% on it, I wanted them to show na sulit ‘yung paglagay nila sa akin doon (show), so every opportunity na ibinibigay sa akin (pinagbubuti ko) nagkataon lang talaga na hindi sa music, kaya sabi ko, I just forget about that na lang.

“So tingnan natin kung kaya ko pa, now that may bukol ako sa vocal chords. This is the reason why I’m so excited with this one to play, gusto kong makita kung kaya ko pang mag-perform.”

Kaya kapag may invitation daw siya sa mall ay talagang super enjoy si Denise.

“Super ini-enjoy ko talaga, akala mo nagko-concert talaga ako sa mall kasi ang saya-saya ko, kasi ‘yun ang unang salpak ko noong bata pa ako, singing, dancing and acting, iisa lang.

“Pero noong pumasok ako sa mundo ng showbiz, na-realize ko na iisa lang pala, mamimili ka kung singing, dancing o acting, so roon ko naisip na bakit dito sa Pilipinas, hindi puwedeng maging all around performer, kailangan somebody ka para maging all around performer, akala ko that time, ripe na ripe na ako, ang galing kong kumanta, sumayaw, hindi pala, ngayon ano na ako, rusty na ako, may kalawang na, wala na akong confidence so, I wanna do this (‘YFSF’) kasi I wanna challenge myself kung kaya kong ibalik pa (singing),” paliwanag ni Denise.

Mapapanood na ang Your Face Sounds Familiar simula sa Setyembre 12 sa ABS-CBN at makakatunggali ni Denise sina Cacai Bautista, Kean Cipriano, Myrtle Sarroza, Sam Concepcion, Michael Pangilinan, Eric Nickolas, at KZ Tandingan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *