Friday , March 29 2024

Binay, Grace pinaiikot lang ni Erap

EDITORIAL logoKAILANGAN linawin ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada kung talagang mayroon pang maaasahang endorsement sina Vice President Jojo Binay at Sen. Grace Poe o hindi na nila ito dapat asahan pa at kalimutan na lang.

Kamakailan, pumutok ang balita na nagkasundo at nagkaroon ng isang deal  sina Erap at Interior Sec. Mar Roxas.  Si Erap umano ay pumayag na ibigay ang kanyang endorsement kay Roxas kapalit ng paglaya ng anak na si Senador Jinggoy Estrada na nahaharap sa kasong plunder.

Nagbigay din daw ng malaking halaga ng salapi si Roxas kay Erap bilang “goodwill money” para magamit sa kampanya laban kay dating Manila Mayor Alfredo Lim sa darating na halalan.

Kung totoo ang balitang ito, masakit ito sa kanyang inaanak na si Poe dahil pinangakuan niya na siya ay kanyang susuportahan sa sandaling magpasyang tumakbo sa pagkapangulo. At kung hindi naman, ang kanyang kaibigan na si Binay ang susuportahan.

Parang sinaksak sa likod si Poe ni Erap kung totoo man ito dahil sa inaanak nga niya sa matalik niyang kaibigan na si Fernando Poe Jr. At si Binay naman ay parang tuluyan na niyang tinabla dahil matagal na rin niyang kasama sa politika.

Mabigat na paratang ito laban kay Erap at kailangan talagang magpaliwanag siya kay Poe kung ito man ay walang katotohanan. Ganoon din kay Binay para hindi naman masira ang kanilang matagal nang pagkakaibigan.

Mahirap husgahan si Erap, pero kung hindi siya magsasalita, baka totoo ngang nakipagkasundo na siya kay Roxas, na kanyang susuportahan sa darating na halalan.

About Hataw

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa …

Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Namamayagpag si Tulfo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING survey ng WR Numero na ginawa noong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *