Saturday , April 20 2024

Pambubugbog sa ABS-CBN cameraman iimbestigahan

 IIMBESTIGAHAN ng Iglesia ni Cristo (INC) ang pambubugbog sa cameraman ng ABS-CBN nitong Biyernes.

Ayon sa tagapagsalita ng INC na si Edwil Zabala, aalamin nila kung totoong mga kaanib ng sekta ang tatlong lalaking nanakit sa cameraman na si Melchor Pinlac sa kasagsagan ng protesta sa EDSA.

Tiniyak ni Zabala na kung mapatutunayan na miyembro ng INC ang mga kumuyog kay Pinlac ay pananagutin nila.

Iginiit din ng INC spokesperson, bukas silang antabayanan ng mga taga-media ang kanilang aktibidad at pinagsabihan na ang kanilang mga miyembro.

Humingi rin ng paumanhin si Zabala sa mga naperhuwisyong motorista dahil sa kanilang pagtitipon sa EDSA-Shaw Boulevard mula nitong Biyernes.

About Hataw

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *