Friday , March 29 2024

Traffic sa Metro hindi problema ni DOTC Sec. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya (Wala raw namamatay)

abayaPALIBHASA hindi commuter dahil may sariling sasakyan at sariling driver, nakapagdedesisyon na magdaan sa mga kalye na hindi apektado ng matinding traffic kaya nakapagkokomentaryo pa si Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na hindi raw nakamamatay ang traffic.

Kapalmu!

Sabi nga less talk, less sin.

Kaya lang mukhang hindi alam ‘yan ni Secretary Abaya kaya kung makapagsalita siya ‘e parang walang masamang epekto sa kabuuan ng lipunan ang mabigat na trapiko ng sasakyan na hindi nila masolusyonan. 

Kailangan palang may mamatay muna sa traffic bago sila umaksiyon?!

Napaghahalata tuloy na walang malasakit ang administrasyong Aquino sa mga ordinaryong mamamayan na direktang naaapektohan ng matinding traffic sa kalsada.

Mga manhid at walang pakiramdam.

Pabor tayo sa posisyon ng isang organisasyon na sampahan ng kaso si Abaya at ang iba pang opisyal ng pamahalaan dahil sa pagsisinungaling na gaganda ang serbisyo sa ng LRT at MRT sa oras na maitaas ang pasahe.

E ilang beses na na nagtaas ng pasahe ang LRT at MRT?

Umayos ba ang serbisyo ng MRT at MRT, Secretary Abaya?!

Tell it to the marines!      

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *