Tuesday , April 23 2024

Coco, dadaan muna sa lolo ni Julia bago makapanligaw

031215 julia coco
ROYAL Princess na ang bansag kay Julia Montes ngayon dahil dual role siya sa seryeng Doble Kara.

Siyempre, flattered si Julia sa kanyang title.

Dalawa ang leading men ni Julia sa bagong serye niya, hindi kaya magselos ang rumored boyfriend niyang siCoco Martin?

“Siya nga po yung sinasabi ko na super close ko at inspiration ko ngayon,” sambit niya sa isang panayam.

Nakita raw niya kasi kung paano nagsimula si Coco sa indie hanggang maging Primetime King ng Dos.

Hanga rin siya dahil nakikita niya ang pagiging family oriented ni Coco.

Todo tanggi pa rin siya sa tunay na estado ng relasyon nila ni Coco. Mahirap daw ipasok sa isip niya dahil ayaw niyang ma-stress.

Basta wala raw siyang nakapakong loveteam para wala siyang iniisip na may masasaktan siya at less pressure sa kanya. Hindi raw niya masasabi ngayon kung kailan siya makikipagseryoso sa isang relasyon.

Paano kung seryosohin siya ni Coco?

“Siguro magpaalam muna siya sa lola ko,” tumatawang sagot ng aktres.

ROLDAN CASTRO

About Roldan Castro

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *