Thursday , April 25 2024

Coco, nae-excite at naseseksihan daw kay Maja

081915 Coco martin Maja


00 fact sheet reggeeINAMIN ni Coco Martin sa VTR interview na ipinakita sa solo presscon ni Maja Salvador bilang leading lady ng aktor sa FPJ’s Ang Probinsiyano na sobrang excited daw sila ni Direk Malu Sevilla dahil matagal-tagal din daw silang hindi nagkatrabaho.

Ayon kay Coco habang nagte-taping daw sila sa Zambales ay napag-uusapan daw nila ni direk Malu na sana sa susunod na taping ay kasama na ang aktres.

“Excited kasi una, ang ganda niya, napaka-sexy niya. Wala siyang boyfriend. Inaamin ko rin na iba rin kasi ang dynamic namin ni Maja kapag kami ang magka-eksena.  Iba rin kasi si Maja ‘pag nagpapakilig. Hindi mo kailangang umarte kapag kaeksena mo si Maja kasi madadala ka niya.

“Pangalawa, marami rin kasi akong natutuhan sa kanya ng magka-trabaho kami and then noong time na bago-bago ako, marami siyang naituro sa akin, kung paano humarap sa tao, honestly, ‘yung chemistry namin, nae-excite ako, kasi rati bagets-bagets pa kami, ngayon medyo matured na.

“And na-excite ako kung ano ang puwede naming ipakita sa tao, paano ‘yung pagtatrabahuan namin.

“Natutuwa ako sa fans na suportado nila kami ni Maja at heto na, ‘yung pangako ko sa kanila na muli kaming magkakasama ni Maja at nagpapasalamat ako na dininig ito ng ABS-CBN,”kuwento ng aktor.

At ang gaganaping advance screening ng FPJ’s Ang Probinsiyano sa Huwebes sa Trinoma Cinema ay para rin daw sa supporters nina Coco at Maja.

Maja, ibinuking na kinikilig sa kanya si Coco

USAPING Maja Salvador pa rin at inamin ng aktres na bida ng Bridges of Love na inalok siyang maging leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsiyano handog ng Dreamscape Entertainment.

Sobrang nagpapasalamat nga raw si Maja dahil nahintay siya ng Dreamscape.

“Siyempre, akala ko hindi ko magagawa itong ‘Ang Probinsiyano’ kasi after ‘Bridges’, may pelikula akong gagawin, tapos may malalaking project pang mangyayari this year, so sobrang love talaga ako ng Dreamscape at iyon nagawan ng paraan na maayos namin ‘yung schedule at magtagpo ‘yung schedule namin ni Coco,” say ng aktres.

Dagdag pa ng aktres, “hindi maitago ni Coco, (sa pictorial) kilig na kilig siya, ha, ha, ha, sobrang happy ni Coco.”

“Yung happiness na naramdaman ko kasi hindi ko maitago kasi balik-tambalan kami ni Coco, dahil excited din ako for the fans, sa Coco-Jam (fans) na naghintay ng four years? Apat na taon o magli-limang taon silang naghintay at ‘yung limang taon na iyon, sobrang proud naman sa fans namin ni Coco kasi sila ‘yung fans na kahit magkahiwalay kami, ‘yung projects namin ni Coco, eh, todo suporta pa rin nila. Talagang hindi sila bumitiw dahil alam nila na isang araw ay magbabalik tambalan kami.

“Ito na (‘Ang Probinsiyano’) ‘yung pinakaregalo namin ni Coco, balik-tambalan, kaya ako sumali sa ‘Probinsiyano’, kinuha ako ni Probinsiyano,” nakangiting sabi ng dalaga.

Nabanggit ng aktres na sa seryeng Minsan Lang Kitang Iibigin daw sila nagsimulang maging close kaysa nauna nilang seryeng Nagsimula sa Puso.

“As in may mga sarili kaming mundo sa ‘Nagsimula Sa Puso’ (days), nasa van lang kami at magkikita lang kami sa set na. Pareho kaming magkaaway sa istorya so ganoon.

“Tapos sa ‘Misan Lang Kitang Iibigin’, ‘yung character ko kasi roon, parang Robin Padilla na babae, so no choice siya kahit kulitin ko siya, so roon na-break ‘yung ice medyo ‘pag kinukulit ko si Coco, nagiging makulit na rin. Tapos doon nagsimula ‘yung closeness namin,” pagbabalik-tanaw ni Maja sa naging umpisa ng closeness nila ng aktor.

At dahil responsible si Coco sa pamilya ay nabanggit ni Maja na hindi lang ideal boyfriend ang aktor kundi ideal husband din.

Kaliwa’t kanan ang projects ni Maja at sabi ng lahat ay paborito siya, “siguro iba lang mag-alaga ang ABS-CBN, pareho, Star Creatives at Dreamscape, alam nila kung paano alagaan ang artista nila at alam nilang bigyan ng tamang proyekto.

“Ako, sobrang masaya po ako na simula ng magsimula ako, sobrang blessed ‘yung pakiramdam ko, hindi ako pinababayaan dahil ni wala akong nagawang hindi magandang teleserye na hindi ko ikaka-proud.

“Parang, sobrang nasasakto ‘yung role o ‘yung character ko sa akin, siguro kilala po nila ako na ‘yung mga role na gusto kong gampanan ay ‘yung natsa-challenge ako kaya magaganda ‘yung naibibigay sa akin, wala pong parehas, iba-iba, rebelde ako, mistress ako, mayroong star dancer ako, mayroong teacher ako, kaya sobrang blessed ako at parehas, siguro nakikita rin ng management na grabe ko ring mahalin ‘yung mga proyektong ibinibigay nila sa akin at importante talaga sa akin ang mga project na ginagawa ko,” mahabang kuwento ni Maja.

Samantala, magkakaroon ng advance screening ang FPJ’s Ang Probinsiyano sa Huwebes sa Trinoma Cinema, 6:00 p.m..

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *