Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Panaginip mo, Interpret ko: Email ni mister malabo

Panaginip mo, Interpret ko: Email ni mister malabo

00 PanaginipDear Señor H,

Nanaginip po ako na ang asawa ko ay nag send daw po ng email sa akin. Pero hindi po malinaw kung ano nilalaman ng email niya… (09266796558)

To 09266796558,

Kapag nanaginip ng hinggil sa email, ito ay nagsasaad na kailangang kang mag-reach out sa mga taong hindi madalas na physically around sa iyo o sa iyong buhay. Sa kabilang banda, maaari rin namang ipinahihiwatig nito na masyadong madalas ang pagbababad mo sa computer, sa puntong hanggang sa panaginip mo ay nagiging bahagi na ang computer at email. Hinggil sa puntong hindi malinaw ang nilalamang mensahe sa email mo ng iyong asawa, maaaring ipinahihiwatig nito ang ilang maliit na misunderstanding o suliranin sa inyong relasyon. O kaya naman, ng kakulangan ng maayos at malinaw na komunikasyon sa panig ninyong dalawa. Kung ganito ang sitwasyon, makabubuting ayusin na ito. Maliit man ito sa simula, maaari itong lumaki kung hindi maaagapan. Huwag hayaang mangibabaw ang pride ng isa’t isa, kung ang kapalit naman nito ay kapakanan at matiwasay na kalagayan ng inyong pamilya.                                                                                                      Good luck sa inyo and God bless.

Señor H.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top