Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / German cyclist nailigtas ng bra sa tumamang bala

German cyclist nailigtas ng bra sa tumamang bala

081415 Cyclist bra
UTANG ng isang German woman ang kanyang buhay sa suot niyang bra nang tamaan ng bala makaraan tumalbog sa baboy-ramo na tinatarget ng isang hunter.

Ayon sa pulisya, ang 41-anyos bakasyonista na hindi binanggit ang pangalan, ay lulan ng kanyang bisekleta kasama ang kanyang asawa, sa bayan ng Gadebusch, 45 miles northeast ng Hamburg, noong Agosto 2.

Narinig ng mga seklista ang putok at pagkaraan ay nakaramdam ng sakit ang babae sa kanyang dibdib, pahayag ng police spokesman na si André Falke sa local newspaper Gadebusch-Rehnaer Zeitung.

Napag-alaman, nasalo ng metal underwire ng bra ang bala kaya nagkaroon lamang ng pasa ang babae imbes na gunshot wound.

Sinabi ng pulisya, pagkaraan ng insidente ay may natagpuang patay na baboy-ramo, kaya pinaniniwalang tumama ang bala sa babae makaraan tumalbog sa nasabing hayop. (THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top