Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo (August 13, 2015)

Ang Zodiac Mo (August 13, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Ang hindi magandang araw ngayon ang magpapatamlay sa iyo kaya padadala ka na lamang sa agos.

Taurus (May 13-June 21) Ang masuwerteng araw ngayon ay magdudulot sa iyo ng katatagan. Ang sinimulang negosyo ay tiyak na magiging maganda ang takbo.

Gemini (June 21-July 20) Nagkamali ka sa pagkilala ng mga partner. Huwag tatanggapin ang kanilang nakatutuksong alok na magdudulot lamang sa iyo ng pagkalugi.

Cancer (July 20-Aug. 10) Ang araw ngayon ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na pigilan ang sobrang pagpapahalaga sa sarili.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Hindi mainam ngayon ang agarang pagdedesisyon. Kailangan mo munang pag-isipan ito nang mabuti.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Makararanas ng mga hadlang, at hindi pagkakaunawaan sa serbisyo. Posibleng makaramdam ng kalungkutan ngayon.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ngayon ay magkakaroon ng pagkakataong umaksyon para tuklasin ang lihim na plano laban sa iyo.

Scorpio (Nov. 23-29) Paborable ang araw ngayon para sa pagpapalit ng trabaho, tirahan o pamilyar na lugar.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Pakinggang mabuti ang proposal mula sa management at ang opinyon ng mga kasama.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Posibleng mapunta sa wala ang pagsusumikap sa trabaho. Masusubukan ngayon ang kontrol sa iyong sarili.

Aquarius (Feb. 16-March 11) May posibilidad na dumanas ng depresyon dahil sa lulutang na mga problema.

Pisces (March 11-April 18) Ano man ang larangan na iyong papasukin ay posibleng maging matagumpay.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ang sobrang pagpapahalaga sa sarili ay magreresulta sa pagiging makasarili at hindi magandang pakikisama sa iba.

ni Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top