Sunday , December 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Ruper Zaragoza pang-apat sa Junior World golf championships

Ruper Zaragoza pang-apat sa Junior World golf championships

080615 rupert zaragosa

NAPUWESTO lang sa ika-apat si Rupert Zaragosa sa kabila ng kanyang one-under-par 71 sa IMG Academy Junior World golf championships sa Torrey Pines south sa San Diego, California.

Ito ang best finish ng Filipinas sa boys 15-17 years division sa loob ng 29 taon simula nang magwagi ng back-to-back si Carito Villaroman noong 1985-86.

Nagtala ng kabu-uang 289 si Zaragosa, apat na stroke kasunod sa 285 ni Joaquin Niemann ng Chile.

READ MORE:  Expansion draft ng PBA inaantabayanan

Umiskor si Niemann ng 70 sa kabu-uang 285, para talunin si Shahith Theegala ng California (71) sa isang puntos lang at isa pang taga-California na si Norman Xiong na pumangatlo sa 288 matapos magtala ng 73.

Naging magandang farewell stint sa Junior World ang naitalang fourth-place finish para kay Zaragosa, isa sa 12 golfer na lumipad patungong Los Angeles sakay ng national carrier Philippine Airlines.

READ MORE:  Volcanoes kinapos sa Malaysia

Noong 2010, nagtagumpay siya sa boys 11-12 years division.

Ngayong taon ay naglaro ang 207 player sa torneo, na nilahukan ng 58 bansa at 46 na estadong nagmula sa host country.

Samantala, si Abby Arevalo naman ang hini-rang na best Filipino finisher sa girls side, na pinagwagian ni Nasa Hataoka ng Japan sa pagtatapos nitong 73 para mapalagay sa ika-17 sa kabuuang iskor na 299.

READ MORE:  Programa sa Karera: Sta Ana Park

Pumuwesto ang da-lawa pang Pinay na sina Pauline del Rosario sa ika-25 sa kanyang 78-302 at LK Go shared sa ika-33 sa kanyang 77-304.

Si Venice Tiamsic, na third placer sa girls 6 and under, ang itinang-hal na best finisher sa 38 bet na pinadala ng Ju-nior Golf Foundation of the Philippines na inis-ponsoran ng ICTSI Sports, Friends of Jungolf at Cleanpak.

ni Tracy Cabrera

COMMENTS

About Tracy Cabrera

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved