Saturday , April 20 2024

Alexa, napaiyak nang makita si Marian

080415 marian alexa
VERY vocal si Alexa Ilacad sa pagsasabi na idol niya si Marian Rivera. Ang Kapuso actress daw ang body peg niya. Para sa kanya ay perfect ang beauty ng misis ni Dingdong Dantes.

Sa YES! Magazine’s 15th anniversary party na ginanap sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas, Pasig City, ay dumalo rito si Alexa kasama ang ka-loveteam na si Nash Aguas. Present din sa okasyon si Marian kaya nagkaroon na ng chance si Alexa na makita ng personal at ma-meet ang kanyang hinahangaan.

Nang dumating sa event si Marian ay naiiyak itong nilapitan at niyakap ni Alexa. Hindi talaga napigilan ng huli na mapaiyak nang makita ang idolo.

After ng pagkikita nilang ‘yun ay sinamantala na rin ni Alexa na magpakuha ng picture kay Marian. Sobrang saya talaga ng gabing  ’yun si Alexa.

 MA at PA – Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *