Friday , April 26 2024

Amado Bagatsing bakit kumalas kay Erap?

erap bagatsingMATAPOS ‘bonggang’ ideklara ni Manila 5th district Rep. Amado Bagatsing na siya ay tatakbong alkalde ng Maynila katiket si Konsehal Ali Atienza, pumutok rin ang iba’t ibang espekulas-yon sa politika ng Maynila.

Si Amado ay anak ng dating mayor na si Ramon at si Ali ay anak din ng dating alkalde na si Lito Atienza.

Pareho rin talunan nang minsan silang tumakbong alkalde ng Maynila. 

At ngayon ay nagsanib-puwersa ang dalawa upang maghahatid umano ng pang-uuto ‘este pagbabago sa Maynila.

Sabi pa ni Ka Amado, “Enough is enough!”

Naalala ko tuloy noong 2012, nang tayo’y maimbitahan ni Hatsing ‘este Bagatsing na magkape ay nasabi niya na kahit kaibigan niya si Mayor Fred Lim, ang susuportahan niya ay si Erap kapag tumakbong Mayor sa Maynila. 

Ang Manila District 5 nga ang nagbigay ng malaking boto kay Erap. 

Kaya marami ang nagulat nang biglang bumitaw siya kay Erap ngayon at binanatan pa ang nasabing administrasyon. 

Anyare!?

Ilang grupo naman ang nakikita na ang pag-dedeklara ni Amado ay hudyat daw na si Erap ay tatakbong presidente sa 2016 elections.

Aba ‘e labo-labo nang talaga sa presidential race  kung totoo ‘yan!

Talagang kaabang-abang na ang eleksiyon sa 2016!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *