Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Themesong King and Queen, yayanigin ang Big Dome

Themesong King and Queen, yayanigin ang Big Dome

00 SHOWBIZ ms mISANG kanta lamang ang ipinarinig nina Angeline Quintoat Erik Santos, subalit gandang-ganda na kami sa blending ng kanilang boses. Bagay na bagay pagsamahin ang kanilang magagandang tinig, kumbaga.

At mas marami pang musika at awitin ang maririnig natin sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Erik Santos and Angeline Quinto at the Araneta Coliseum sa August 15, Sabado sa Big Dome.

Ang matagal nang planong concert na ito ay ididirehe niJohnny Manahan kasama si Homer Flores bilang musical director at inaasahang magiging red-carpet like affair for impassioned singing dahil sa pagging competent stand alone sequences and earth moving duets.

Makakasama nina Angeline at Erik na magbibigay ng magangandang musika ang kanilang iniidolo at hinahangaang singer, ang Concert King na si Martin Nievera at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Ang Erik Santos and Angeline Quinto at the Araneta Coliseum ay sa pakikipagtulungan ng The Academy of Rock, with official media partners na ASAP 20, Myx, MOr 101.9 For Life, 101.1 Ys FM, 96.3 Easy Rock, The Philippine Star, Business World, Philippine Entertainment Portal, Manila Concert Scene, at ABSCBN Interactive.

Para sa tiket, call ticketnet sa 9115555 o mag log on sawww.ticketnet.com.ph.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top