Friday , April 19 2024

5 pulis sa rubout idiniin ng testigo (Set-up ‘di holdap)

KUMANTA na ang testigo sa sinasabing pagpatay ng mga operatiba ng Manila police sa isang tricycle driver  noong gabi ng Hulyo 14 sa Sampaloc, Maynila.

Sa pulong sa NBI, si Dagul, 21, ay natunton nang magkasanib na puwersa ng NBI at NAPOLCOM teams noong Hulyo 18, o apat na araw makaraan ang pagpaslang kay Robin Villarosa, suspek sa panghoholdap sa UST at pananaksak sa isang estudyante.

Kahapon ay iniharap ng NBI at Manila police sa media si alyas Dagul, ang angkas sa likod  ng biktimang si Villarosa na lumundag nang sila ay makorner ng mga tauhan ng MPD Station 4 o Gulod PCP na pinamumunuan ni S/Insp. Rommel Salazar.

Si Dagul ang nakita sa CCTV na tumalon sa tricycle at nakatakas bago barilin ng pulis ang sinasabing notoryus na holdaper na si Villarosa. 

Ayon kay Dagul, umaming asset ng MPD Station 4 sa illegal drugs, hindi totoong holdapan ang naganap kundi set-up upang maaresto si Villarosa.

Inamin ni Dagul, pumayag siyang i-set-up si Villarosa makaraan na siya ay pangakuan ng P20,000 ni Salazar sakaling masakote si Villarosa, ngunit usapan nila ni Salazar na hindi papatayin si Villarosa.

Dagdag ni Dagul, hindi totoong nangholdap sila nang gabing iyon, kinasabwat lang aniya nila si Kagawad Steve De Leon na kunwari siya ay naholdap.

Binigyan pa ni Dagul ng shabu (na galing kay Salazar) si Villarosa na ginamit bago ang kanilang gagawing panghoholdap noong gabi ng Hulyo 14.

Sinabi ni Dagul,binig-yan din siya ng 9mm na baril ni Salazar at sinabihan na magpaputok kapag sila ay nasakote na ng mga pulis ngunit hindi niya ginawa.

Makaraan ang kunwaring holdapan, tumalon siya sa tricycle at tumakbo, saka sumakay sa getaway vehicle na inihanda raw para sa kanya ni Salazar.

Ngunit nagulat na lamang siya nang makarinig ng putok.

Makaraan aniya ang kanilang trabaho ay hindi ibinigay sa kanya ang P20,000, kundi dalawang libong piso lamang, at siya ay sinabihan ni Salazar na umuwi sa kanilang probinsiya ngunit hindi niya ginawa.

Idinagdag ni Dagul, pinili niyang manatili sa kostudiya ng NBI dahil sa paniniwalang mas magiging ligtas siya rito.

Kaugnay nito, nilinaw ng NBI na hindi pa nila maaaring ituring na testigo sa krimen si Dagul, bahala na anila ang piskal sa pagdetermina sa salaysay ni Dagul.

Bukod kay Dagul, may isa pang menor de edad na hawak ang NBI na magpapatibay sa alegasyon ni Dagul.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *