Friday , April 19 2024

Palusot ni Ridon

SINISISI ni Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon ang House Committee on Rules na dahilan kung bakit hindi umuusad ang kanyang inihaing House Resolution 1565 na mag-iimbestiga sa mamahaling paintings ng pamilyang Marcos na bahagi ng ill-gotten wealth.

Sa liham na ipinadala ni Ridon sa Hataw,  sinabi niyang iniipit ng committe on rules ang nasabing resolusyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin naitatakda kung kailan ito didinggin. 

Sa ganang amin, mababaw ang ganitong paliwanag ni Ridon. Hindi talaga uusad ang isang resolusyon kung wala namang inisyatiba ang isang kongresista lalo na kung ito ay kabilang sa oposisyon para dinggin ang kanyang panukala na nasa committee on rules. 

Maraming pamamaraan para mapilitan o ma-pressure ang committee on rules para agad maisalang ang isang panukalang batas o resolution.  Kulitin ang nasabing komite at tuloy-tuloy na mag-lobby sa mga kongresista na nasa mayorya, at pakiusapan si Majority Floor Leader Neptali Gonzales.

Kung hindi uubra ang pangungulit sa liderato ng Kamara, bakit hindi magpatawag ng press conference si Ridon at ibunyag sa media ang ginagawang pang-iipit ng committee on rules sa kanyang resolusyon.

Halos isang taon na ang resolusyon ni Ridon pero bakit hindi man lang siya gumagawa ng paraan para umusad ito. Naniniwala kaming hindi nabayaran si Ridon ng pamilya Marcos.

Ang tanong, e, sino ang nabayaran?

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *