Thursday , April 25 2024

Piolo, walang time para makahanap ng GF

NAPAKASUWERTE namang makasama sa pagtulog o panaginip ni papa Piolo Pascual.

Sa sobrang busy kasi nito ay wala na nga siyang magagawang way para mahanap ang future Mrs. Piolo Pascual niya.

Noong makatsikahan namin ito sa aming DZMM program na Chismax kasama si Gretchen Fullido, naloka kami sa iskedyul niya.

Nasa Hongkong siya at that time para sa screening ng The BreakUp Playlist na certified box-office hit. Mayroon pang ibang countries na malamang ay puntahan din niya for the same purpose.

Then upon his return, tatapusin niya ang indie movie under direk Lav Diaz na makakasama niya for the first time si John Lloyd Cruz.

Mayroon din siyang uumpisahang soap na makakasama naman niya sina Toni Gonzaga, Jolina Magdangal, at Sam Milby.

May malaking sporting event pa siya na lalahukan (Iron Man) sa Cebu this year kaya’t dapat din daw siyang maging physically ready, fit and strong.

Kaya nga sa panaginip at sa pagtulog na lang daw n’ya muna hahanapin ang future Mrs. Piolo Pascual dahil wala nga siyang sapat na oras sa ngayon.

Naku, kung kami ang aapir sa dream niya ay tiyak na babangungutin siya ‘di kaya Mareng Maricris hahahaha!

AMBETIOUSLY – Ambet Nabus

About Ambet Nabus

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *