Saturday , April 20 2024

CCTV footage isinumite na sa Camp Crame (Sa mag-asawang nalason)

PARA sa ikalilinaw ng kaso, isinumite na kahapon ng pamunuan ng Las Piñas City Police Anti-Cyber Crime, Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang CCTV footage sa mag-asawang manager na nalason sa parking area ng isang community mall sa Las Pinas City nitong Huwebes ng hapon.

Nabatid sa hepe ng Public Information Office (PIO) ng Las Piñas City Police, na si Chief Inspector Rey Viloria, isinumite na nila sa naturang tanggapan ang CCTV footage ng mag-asawang Juliet at Jose Maria Escano na natagpuang walang malay sa open parking ng Evia Mall sa Daang Hari, Brgy. Almanza 2 ng naturang lungsod.

Nasa custody na rin ng Las Piñas City Police ang CCTV footage na nag-drive-thru o bumili ng pagkain sa isang fast food chain (McDonald) sa Macapagal Avenue ang mag-asawang Escano base sa resibong nakita sa kanila.

Ipinasusumite na rin ng Las Piñas City Police ang CCTV footage kung saan bumili ng inomin at pagkain sa isang convenient store (7-11) sa Muntinlupa City ang mga biktima, para maisumite sa Anti-Cyber Crime ng PNP.

Ang mga CCTV footage ay kabilang sa magsisilbing mga ebidensiya para malaman kung saan bumili ng pagkain at inomin ang mag-asawang Escano, na naging dahilan ng pagkalason na humantong sa kanilang kamatayan.

Jaja Garcia

McDo mag-iimbestiga (Sa food poisoning sa mag-asawa)

NAGSASAGAWA nang hiwalay na imbestigasyon ang pamunuan ng McDonald Philippines kaugnay sa pagkamatay ng mag-asawang manager makaraan bumili ng pagkain sa kanilang fasf food chain nitong Huwebes ng hapon.

Sinabi ni Margot Torres, senior vice president for marketing ng McDonald, Philippines, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng mag-asawang Juliet at Jose Maria Escano na sinasabing bumili sa kanilang sangay sa Diosdado Macapagal Boulevard, Pasay City.

Aniya, bukod sa sarili nilang imbestigasyon, bukas din ang kanilang tanggapan sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya.

“Any time po, kami ay makikipag-ugnayan sa pulisya kung kinakailangan po dahil sa lumalabas na bago namatay ang mag-asawa ay bumili ng kanilang pagkain sa fasf food chain,” ani Torres.

Partikular aniyang binili ng mag-asawa ang dalawang sausage McMuffin at orange juice, narekober ng mga awtoridad ang resibo nito sa loob ng sasakyan ng mga biktima.

Bukod dito, nare-kober din ang isang resibo ng 7-11 sa Alabang Muntinlupa City, binilhan ng dalawang slurpee ang mag-asawa.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *