Wednesday , April 24 2024

Lola Basyang, techie na, blogger pa!

00 SHOWBIZ ms mSa kabilang banda, kasabay na inilunsad ng #ParaNormal Activity noong Sabado ang kakaiba at modernong bersiyon ng LolaBasyang.com ng tradisyonal at makasaysayang Pinoy icon na si Lola Basyang. Madalas na nakikita ang mga paglalarawan kay Lola Basyang na isang maamong matandang babaeng puti ang buhok at nakaupo sa tumba-tumba. Naidikit na rin sa kanya ang mga kuwento ng kagandahang asal at mga Filipinong kuwentong bayan.

Pero sa bagong henerasyon ng LolaBasyang.com, techie at isang blogger na si Lola B na nagkukuwento sa kanyang mga apong nasa abroad sa pamamagitan ng internet at webcam. Gagampanan ng beteranang aktres na si Boots Anson-Roa ang title role.

“Ang nangyayari ngayon, habang mas nagiging modern ang buhay natin gamit ng teknolohiya, mas lalo dapat nating balikan ‘yung mga nakagisnan nating Filipino values,” kuwento ng director at producer na si Perci Intalan, isa sa nakaisip at bumuo ng series na ito kasama ang award winning filmmaker na si Jun Robles Lana.

Kaya tuwing Sabado, mapapanood ang mga hitik sa aral na kuwentong gaya ng kay Maryang Makiling, Ang Plawtin ni Periking, Rosa Mistika, at Ang Prinsipeng Mapaghanap.

Mapapanood ang LolaBasyang.com tuwing Sabado, 7:00 p.m. sa TV5.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *