Wednesday , April 17 2024

Totoy, ate, 1 pa patay sa sunog sa Batangas (1 kritikal, 5 sugatan)

PATAY ang tatlo katao nang matupok ang apat- palapag na gusali sa Brgy. Poblacion sa Lian, Batangas nitong Miyerkoles.

Kinilala ni BFP Region IV-A Director Ireneo Palicpic ang mga biktimang sina Annaliza Hunson, 50; Jewel Grace Batoto, 12; at kapatid niyang si John Clifford, 9. 

Sa inisyal na imbestigasyon, namatay si Hunson nang tumalon mula sa ikatlong palapag ng JJJ Marketing building, habang nakulong ang dalawang bata sa kanilang kuwarto. 

Samantala, kritikal ang kalagayan ng 75-anyos na si Milagros Hunson na tumalon din mula sa gusali. Limang iba pa ang isinugod sa ospital dahil sa mga paso sa katawan. 

Bandang 4 a.m. nang sumiklab ang sunog na umabot sa ikalimang alarma bago naapula dakong 7 a.m.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. 

About hataw tabloid

Check Also

041624 Hataw Frontpage

Sa Batangas
P13.3-B SHABU NASABATDRIVER DI-LISENSIYADO
Promotion iginawad sa hepe ng pulisya

ni RODERICK PALATINO KAMPANTENG ibiniyaheng isang 47-anyos driver ng van kahit walang lisensiya sa pagmamaneho …

Bulacan Police PNP

2 durugista, 6 wanted, swak sa hoyo

Dalawang durugista at anim na wanted na mga kriminal ang sunod-sunod na inaresto ng pulisya …

PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike

PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike

Camp BGen Vicente P Lim – Nakahanda at asahang mapagbantay ang Police Regional Office CALABARZON, …

Sa 2 buybust operations sa Laguna P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO

Sa 2 buybust operations sa Laguna  
P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat na drug personalities sa magkahiwalay na anti-illegal …

Philippine Food and Beverage Expo 2024

 ‘Pakinggan si Villar’
ANING MASAGANA LILIKHA NG TRABAHONG MARAMI  

INIHAYAG ni Senate Committee on Agriculture  and Food chairperson Sen. Cynthia A. Villar na mababawasan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *