Tuesday , November 12 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jolens, nagkaroon ng bagong sigla ang career nang magbalik-Kapamilya!

Jolens, nagkaroon ng bagong sigla ang career nang magbalik-Kapamilya!

 

070715 Jolina Magdangal

00 SHOWBIZ ms mISA kami sa natuwa dahil simula nang magbalik-Kapamilya si Jolina Magdangal, sunod-sunod ang proyektong ginagawa niya. Hindi pa man natatapos ang Flordeliza, nakasama rin siya sa katatapos na Your Face Sounds Familiar at ngayon isang napakalaking teleserye ang sasalangan niya.

Ang tinutukoy namin ay ang pagsasama-sama nilang apat sa teleseryeng Written In Our Stars na tatampukan din nina Piolo Pascual, Sam Milby, at Toni Gonzaga. Ito ay mula sa Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN.

Hindi nga maitago ni Jolens ang excitement sa pagsasama nilang apat dahil first time niyang makakatrabaho ang mga ito.”Talagang masayang-masaya po ako na napasama ako sa project na ito,”

Anito.”This is my first time to work with Dreamscape, so happy po ako talaga.”

Ang Written In Our Stars ay ididirehe ni Andoy Ranay at si Keiko Aquino naman ang scriptwriter.

Aminado si Jolens na overwhelm siya sa natatanggap na pag-aalaga sa kanya ng Kapamilya Network. ”Sobrang thankful ako talaga and patuloy pa akong magiging thankful sa lahat ng pagmamahal na ibinibigay sa akin ng ABS ngayon,” giit pa ni Jolens na 12 years din palang nawala sa Dos at lumipat sa Kapuso Network.

Kaya naman nasabi ng PPL artist na tila nagkaroon ng bagong sigla ang kanyang career. Bakit nga ba hindi eh, pawang magaganda at malalaking project ang ibinibigay sa kanya. Nariyan ang pagbabalik-tambalan nila niMarvin Agustin na idinidirehe ng magaling na director na si Wenn Deramas via Flordeliza at ang super hit naYour Face Sounds Familiar. At siyempre, tiyak na maganda rin itong Written In Our Stars kaya naman gusto na raw agad makapag-taping ni Jolina.

“Masarap kasing magtrabaho ‘pag magagaling ang mga kasama mo,” sambit pa ni Jolens na light drama na medyo magical ang magiging takbo ng bagong teleserye.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top