Thursday , April 25 2024

Reyes, Alapag tutuklas ng mga bagong players

062515 Chot Reyes Jimmy Alapag
PANGUNGUNAHAN nina dating Gilas coach Chot Reyes at top gun Jimmy Alapag ang bagong programang NIKE Rise na inilunsad sa Green Sun Hotel sa Makati City. Layunin ng programa ang mangalap ng mga kabataang may basketball talent na may ‘Puso’. May tryouts sa Dagupan at Manila sa June 27 at 28, Cebu at Davao sa July 4 at 5. Masusubaybayan ito sa TV5 tuwing linggo sa July. (HENRY T. VARGAS)

MAGSASANIB sina dating Gilas Pilipinas head coach Vincent “Chot” Reyes at ang kanyang pambatong point guard sa national team na si Jimmy Alapag sa pagtuklas ng mga batang manlalaro mula sa iba’t ibang mga lungsod sa Pilipinas upang maging mga susunod na superstars ng basketball sa bansa.

Sa tulong ng sikat na sapatos na Nike, inilunsad nina Reyes at Alapag ang Nike Rise kahapon sa Makati kung saan silang dalawa ay pupunta sa Dagupan, Cebu, Davao at Metro Manila upang maghanap ng mga batang manlalaro mula sa iba’t ibang mga barangay at ilalagay sila sa isang lugar na kung saan ay mag-e-ensayo sila ng iba’t ibang mga leksyon tungkol sa basketball.

Sa katapusan ng programa ay 12 na manlalaro ang pipiliin nina Reyes at Alapag at haharap sila sa isang koponang binubuo ng mga manlalarong endorsers ng Nike tulad nina James Yap, Kiefer Ravena at Jeron Teng at irirekomenda sila sa iba’t ibang mga paaralan at puwede pang ikunsidera sa national team.

“Being involved in Nike Rise is part of my advocacy and vocation to be able to give back to these kids while also providing inspiration,” wika ni Reyes. “The best players are the ones who have that something within them, yung puso. I’m putting together a team made up of players who can play together as a team. These players will not quit but will show a lot of heart.”

Sa panig ni Alapag, ibibigay niya ang kanyang 12 na taong paglalaro sa PBA at sa national team para sa mga batang kasali sa Nike Rise.

“It’s about the work ethic. I was fortunate enough to play with the best coaches and I will be there with these young players to start the journey towards achieving their dreams,” ani Alapag.

Ang mga pangyayari sa Nike Rise ay mapapanood sa isang lingguhang palabas sa TV na mapapanood tuwing Linggo sa TV5 simula sa Hulyo.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *