Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pan-Buhay: Kayamanang tunay

00 pan-buhay“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso. “ Mateo 6: 19-21

Lahat marahil tayo ay naghahangad na yumaman. Kahit iba-iba ang ating mga pa-ngarap at hinahangad, ang pagyaman ang nakikita nating paraan upang matupad ang lahat ng mga ito. Pansinin ninyo na lang kapag malaki na ang jackpot sa lotto. Tiyak napakahaba ng pila sa mga tayaan. Marami ang nagbabakasakali na manalo at maging instant na milyonaryo. Akala ng marami na ito ang magbibigay sa kanila ng kaligayahan. Marami sa mga nananalo ay sandali lang inubos ang kanilang panalo at bumalik sa kawalan.

Kahit ang karamihan sa mga pulitiko ay nakakagawa ng sari-saring katiwalian sa pag-hahangad na magkamal ng maraming pera at manatili sa puwesto at kapangyarihan. Hindi nila alintana na kapag nahuli ay bilangguan ang hahantungan. Ang mga negosyante naman ay idinudulot ang malaking bahagi ng kanilang oras sa kanilang negosyo upang umunlad at magpalaki ng kayamanan. Malungkot lang na madalas ito ang nagiging sanhi ng kawalan ng oras sa pamilya at kasi-raan ng kanilang relasyon.

Sa bandang huli na lang napapagtanto na panandalian lamang ang kasiyahan sa pera o yaman. Sa pera, walang tunay na kaligayahan dahil parang walang katapusan ang pagha-hangad na paramihin nang paramihin ang kayamanan. At kahit gaano na kayaman, parang lagi na lang may kulang pa sa buhay. Ang mahirap pa nito, sa isang iglap ay maa-aring mawala ang lahat. May mga nagpapakamatay pa nga dahil dito.

Hindi masamang magpayaman ngunit kung tayo ay magiging gahaman, makasarili lamang at walang pakialam sa kapwa at sa batas ng Diyos at tao, ito ay nagiging imoral. Sa Salita ng Diyos, inaatasan tayo na mag-impok ng kayamanan sa langit imbes na sa lupa. Ito ang kayamanang hindi nawawala at nagdudulot ng kaligayahang walang hanggan. Paano nakakamit ang ganitong kayamanan? Sundin ang mg utos at kagustuhan ng Diyos. Mahalin at magbahagi sa iyong kapwa. Kung nasaan daw ang iyong kayamanan, nandoon din ang iyong puso. Kapatid, nasaan ngayon ang iyong puso?

(Ang PAN-BUHAY ay isang pakikipagugnayan sa pamamagitan ng panulat tungkol sa ating buhay espirituwal at sa ating Panginoon na tinatawag din nating “Ang Tinapay (Pan) na Nagbibigay-Buhay”)

ni Divina Lumina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …