Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / DILG ‘Oplan Sibat’, mga tulak sibatin nyo

DILG ‘Oplan Sibat’, mga tulak sibatin nyo

00 pulis joeyALL-OUT ang Department of Interior and Local Government (DILG) under Sec. Mar Ro-xas sa kanilang programang ‘Oplan Lambat-Sibat’ laban sa mga kriminal.

Obligado rito ang field commanders ng PNP na magtrabaho sa kanilang area of responsibility (AOR). Dahil hinihingan sila ng regular report ng mga nahuling kriminal lalo na ‘yung mga wanted persons na nagtatago sa kanilang erya. Kapag wala raw accomplishment report ay sibak ang hepe! Ayos ito!

Ang mungkahi natin sa DILG ay patutukan sa operatiba ng PNP ang problema sa ilegal na droga. Dahil sobrang talamak na talaga ang bawal na gamot partikukar ang shabu sa bawat barangay sa ating bansa. Mother of all crimes na itong shabu.

Sabi nga ng isang mambabasa natin sa Ca-vite, sa kanilang lugar sa Datu Esmael ay sobrang talamak ang bawal na gamot at walang humpay ang barilan at patayan. Dapat daw ay PNP-SAF na ang mag-operate dito dahil puro de baril daw ang mga tulak. Marami na nga raw pulis ang pumasok at nasawi sa kanilang lugar.

READ MORE:  Malaking Pag-aalsa sa Customs

Kaya ang hiling nila kay Sec. Roxas, dalhin sa looban ng Datu Esmael ang ‘Oplan-Lambat Sibat’ at pagsisibatin ang napakaraming tulak dito.

Go, Secretary Roxas! Patunayan mo sa amin na ikaw ay may tapang din tulad nina Mayor Rodrigo Dutete at ex-Mayor Alfredo “Dirty Harry” Lim!

Suyurin mo ang pugad ng mga kriminal at sibakin ang mga walanghiyang pulis! Tiyak sisirit ang rating mo sa presidential para sa 2016.

Go!!!

Traffic enforcers kailangan sa Tayuman-Juan Luna (Tondo, Manila)

– Sir Joey, report ko lang po dito sa amin sa may Juan Luna-Tayuman (Tondo, Manila). Bakit wala pong enforcers? Sa umaga grabe po ang trapik dito dahil sa mga ginagawang kalye. Pasukan pa naman po. Dami namin school dito kaya lalong grabe ang trapik. Dati po may mga naka-blue na nakatayo dito maayos at maluwag po. Ngayon wala na po kahit isang enforcer. – 09108028…

READ MORE:  Trapo ayaw ng halalan?

Paging Senator to be MTPB Chief/Vice Mayor Isko Moreno: Kailangan ang traffic enforcers mo sa nabanggit na mga kalye. Ak-syon!

Traffic light sa Tayuman Avenida, paki-ayos!

– Joey, bakit hanggang ngayon hindi pa po ginagawa yung traffic light dito sa Tayuman Avenida (Sta. Cruz, Manila). May school po dito. Sobra po ang trapik sa umaga. Wala pa pong enforcers na nakatayo. Madalas po may banggaan kaya lalong matindi ang trapik. Paki-kalampag naman po ang mga kinauukulan. – 09436710…

Paging MMDA: Paki-ayos ang traffic lights sa nasabing erya. At panawagan din sa pa-munuan ng MTPB: Pakilagyan ng traffic enforcers sa naturang lugar. Aksyon!

READ MORE:  Witnesses sa Maguindanao Massacre nag-atrasan nga ba?

Binay pa rin, kahit kurakot!

– Sir Joey, kahit ano pong kasiraan ang gawin nila kay VP Binay, sa kanya parin po ako. Kasi kahit po sabihin na kurakot sya, marami naman po siyang mabuting nagawa. Kasi po kung magboboto na naman tayo ng bagong presidente may bago na naman na mangungurakot! – 09098807…

Sana matuto naman tayo. Kapag alam na nating kurakot ay huwag na nating ihalal pa. Mali ang rason na kapag “bomoto nang bago ay may bago na namang mangu-ngu-rakot.” Walang mangyayari sa bansa natin kung ganito ang attitude ng isang botante.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved