Saturday , April 20 2024

No plunder case vs Parañaque officials (Ombudsman case walang basehan)

052515 FRONTWALANG kasong plunder na kinakaharap si Parañaque city Mayor Edwin Olivares at ang 13 opisyal na kinabibilangan ng buong miyembro ng Sangguniang Panlungsod, taliwas sa mga nalathala  sa ibang pahayagan (broadsheets) kamakailan.

Pinaniniwalaang manipulado ng mga kalaban sa politika na pawang kritiko ng administrasyon ng alkalde ang layunin ng pagpapakalat  ng nasabing kaso.

Kamakailan, napaulat na mayroon umanong  kasong plunder sa tanggapan ng Ombudsman laban kina mayor Olivarez, kabilang sina vice-mayor Jose Enrico Golez, mga councilor na sina Rufino Allanigue, John Ryan Yllana, Merlie Antipuesto, Vincent Kenneth Favis, Florencia Amurao, Brillante Inciong, Roselle Nava-Tan, Joan Villafuerte, Maritess de Asis, Jacqueline Bustamante-Mendoza, city legal officer Atty. Rommel Frias, at city treasurer Anthony Pulmano.

Sinabing ang kasong plunder ay may kaugnayan sa tax obligations ng nasabing grupo ng mga kompanya sa ilalim ng compromise agreement ng dating administrasyon ng Parañaque sa panahon ni dating Mayor Florencio Bernabe Jr., at ng DM Wenceslao and Associates, Inc., Wendel Holdings Corp., Inc., Fabricon Manufacturing Corp., at Asian Holdings Inc., pawang miyembro ng Wenceslao Groups.

Nabatid na nitong nakalipas na Nobyembre 1 (2014), bago ang execution ng compromise agreement, sa panig ng Parañaque city government at ng Wenceslao Groups, iba’t ibang kasong sibil at administratibo ang dinidinig sa iba’t ibang korte.

Nabatid na ang dating administrasyon ay nagkaroon ng compromise agreement, petsa Oktubre 13, 2008 na pagkakalooban ng 50 porsiyentong tax credit at limang taon na tax holidays sa kanilang real property tax ang Wenceslao Groups, base sa nakasaad sa Ordinance No. 07-11,

Isang memorandum of agreement noong nabanggit ding petsa ang dininig at inaprubahan sa Court of Appeals, kahit hindi umano dumaan at narebisa ng Sangguniang Panlungsod ng Parañaque.

Gayonman, ang motion for reconsideration na inihain ng dating administrasyon, dahil hindi nagdaan sa Konseho, ay ibinasura ng court of appeals, hanggang umakyat sa korte suprema.

Nang maupo bilang alkalde si mayor Edwin  Olivarez noong 2013, nagkaroon ng pag-uusap ang Wenceslao Group at lokal na pamahalaan ng Parañaque.

Sa isang amicable settlement, nagkasundo ang Wenceslao Group at administrasyong Olivarez ,sa bisa ng aprubadong resolusyon bilang 13-076.

Nakasaad sa nasabing resolusyon ang terms and conditions ng pagbabayad ng real property tax ng Wenceslao Groups ng 50 percent tax credit at walang kasamang limang taon na tax holidays.

Noong panahon ng administrasyon ni Bernabe, nagbayad umano ng kanilang buwis ang Wenceslao Groups ng hindi kukulangin sa p400,000 milyong piso, hanggang sa taon 2014.

Sa kasalukuyan, y malinis at bayad sa kanilang pagkakautang sa real property tax ang Wenceslao Groups at maituturing na isa sa malalaking kompanya na nagbabayad ng kanilang buwis sa pamahalaang lungsod ng Parañaque.

Jerry Yap

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *