Thursday , April 25 2024

Coco Martin, bibida sa TV adaption ng “Ang Probinsyano” ni late FPJ

 

ni Peter Ledesma

051915 coco martin FPJ

OPISYAL nang inihayag ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television na bibigyang-pugay ng Hari ng Teleserye na si Coco Martin ang obra ng nag-iisang Da King na si Fernando Poe Jr. na “Ang Probinsyano.”

Sa pagtutulungan ng ABS-CBN at ng FPJ Productions “Ang Probinsyano” ang pinakabagong FPJ classic na bibigyang buhay sa telebisyon na magpapakita nang tunay na kabayanihan ng mga alagad ng batas.

Ayon sa Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, ipinagkatiwala ng Da King ang lahat ng library ng kanyang pelikula sa FPJ Productions sa ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio. Sobrang galak naman ng Hari ng Primetime (Coco) ng ABS-CBN na sa kanya ipinagkatiwala ng Dreamscape ang malaking project, “Sobra akong nagpapasalamat dahil sa ipinagkatiwala nila sa akin ang kauna-unahang tribute ko para kay FPJ. Hinding-hindi ko bibiguin ang pulisya, ang ABS-CBN, sina Ma’am Charo. Gagawin ko po ang best ko para magampanan ko nang tama ang proyektong ito,” pahayag pa ni Coco.

Sa darating na July ay start na ang taping ng buong cast at idi-direk ito nina Malou Sevilla at Avel Sunpongco. Di lang malaking hamon ito para kay Coco kundi malaking achievement rin sa kanyang career bilang isa sa tinititingalang artista sa industriya. Brilliant ang nakaisip ng konseptong ito. Para sa karagda-

gang impormasyong kaugnay ng “Ang Pro-binsyano,” bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Televesion sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Unlimited na saya at kabuhayan, ng Puregold TNAP Convention 2015 sa World Trade Center simula ngayon

KC, MAJA, JULIA, LLOYDIE AT DIEGO HAHATAW SA ENTABLADO

Last May 8, sa residence ni Mother Lily Monteverde ay humarap sa entertainment press ang mga EB Dabarkads na dekada nang nag-i-endorso ng Puregold na sina Tito Joey de Leon, Jose Manalo at Ruby Rodriguez kasama ang Vice Pre-sident for Operations ng Puregold na si Mr. Antonio delos Santos.

Pare-parehong ipinag-imbita ng apat ang taunang special event simula sa araw na ito, May 20 hanggang May 24 na PUREGOLD Tindahan ni Aling Puring Convention 2015 na unlimited na saya at kabuhayan ang hatid sa lahat lalong-lalo na sa mga miyembro nito sa iba’t ibang panig ng Mega Manila at Luzon.

Narito ang pahayag ni Mr. Delos Santos sa magaganap sa TNAP convention nila this year at kaalaman sa TNAP. “Sa nakalipas na 12 taon, patuloy ang pag-ayuda ng Puregold sa mga negosiyanteng Pinoy sa pagbibigay sa kanila ng karagdagang kaalaman para lalo pang mapalago ang kanilang mga nasimulang negosyo. Tanging Puregold lamang ang nagbibigay ng sari-sari store at reseller packages sa maliliit na negosiyanteng gustong pasukin ang ganitong negosyo mula sa kompletong business package para sa sari-sari store start-up o re-launch, kabilang dito ang store design at promotion, technological assistance, crash course sa basic retail, at media exposure. Dagdag niya, kapansin-pansin ang sari-sari stores owners mula Luzon, Visayas at Minda-nao na pinagkakatiwalaan dahil sa ugnayan nito sa Puregold at TNAP.

Isa raw sa major highlights ng convention ang official launch ng pinakabago at pinalakas na TNAP membership card na naglalaman ng bongga at eksklusibong benepisyo para sa mga miyembro nito. Libre at lifetime ang membership sa TNAP. Bawat kasapi ay maaaring makakuha ng points sa bawat item na mabibili nila sa Puregold sa daan-daang branch. Ang mininum purchase na P200 ay may 1 point katumbas ng P1.00. Ito ay maiipon at maaaring i-redeem sa lahat ng cashiers ng Puregold branches sa buong bansa. Maaari rin i-redeem ang naipong points sa loob ng dalawang taon sa kahit anong Puregold branch saan mang panig ng bansa. Ang Puregold ang pinakamataas magbigay ng benepisyo sa lahat ng reward cards. Magkakaroon ng access ang cardholders sa iba pang kapana-panabik na rewards at exclusive events nila. Bukod sa mga freebies na makukuha mula sa mga partipating sponsors ay may karagdagang bonus sa

convention na magpapasaya ng inyong araw.

Kinuha ng Puregold ang mga naglalakihang artista sa bansa para lalong maging makulay at magningning ang nasabing convention. Pangu-ngunahan ito ng mga longtime endorsers ng Puregold na si Joey de Leon, na very vocal sa pagsasabing habang may bata, may Eat Bulaga at habang may EB, may Puregold, kasama sina Jose Manalo, Ruby Rodriguez, King of Talk Boy Abunda at Bossing Vic Sotto. Sina Bossing, Jose, Ruby, at Joey ang opisyal na magla-launch sa bago at mas pinalakas na TNAP membership card.

Abangan din ang espesyal na performances mula sa ating Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla; Voice of Asia Dessa, at mga famous young stars na sina KC Concepcion, Maja Salvador, Julia Barretto, Diego Loyzaga at ang mahusay at versatile Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz. May mga komedyante rin na magbibigay aliw at sila ay sina Giselle Sanchez, Ramon Bautista, Donita Nose, MC, Lassy, Chad Kinis, at Negi ganoon na rin ng rock icons na Kamikazee, Mitoy & The Draybers, at ang Parokya ni Edgar, ang popular rapper na si Clock 9 at Mr. Pure Energy himself Gary Valenciano.

May mahahalagang tips at methods rin na matututuhan ang mga miyembro mula sa libreng trainings at seminars mula sa mga esteemed negosyo gurus. Gagantimpalaan din ng Puregold ang mga top purchasers nito ng fantastic prizes gaya ng one-minute shopping sprees, Puregold gift certificates, gadgets, at cash prizes. Para makasali at makamit ito ay ipakita lang ang kanilang membership card.

Para sa karagdagang impormasyon ay maa-aring bisitahin ang opisyal website ng Puregold sa www.puregold.com.ph. I-like ang Puregold sa Facebook, i-follow rin ito sa @Puregold_PH sa Twitter, at i-follow rin ang @puregold_ph

sa Instagram. Kaya punta na sa 5 day extravagance convention ng Puregold sa World Trade Center sa Pasay City.

 

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *