Thursday , April 25 2024

Ellen, nagsagawa muna ng ritwal bago nakipagtikiman kay Dennis

 

ni Roldan Castro

051915 dennis trillo ellen maja

NAIKUWENTO ni Dennis Trillo na tatlong beses ang tikiman nila ni Maja Salvador sa You’re Still The One at tatlong beses din kay Ellen Adarna.

Naibuking niya na sobrang kabado si Ellen sa love scene nila kahit sexy ang image nito sa publiko. ‘Pag titingnan mo si Ellen ay siya ‘yung artistang hindi na mag-aalinlangan sa mga maseselang eksena. Pero pagdating sa love scene nila ay sobrang kabado raw ito at kailangang mayroon pang ritwal.

Asking tuloy ng press kung ano ang ritwal na ginawa ni Ellen? Uminom ba siya bago nakipag-love scene pero hindi na nasagot ni Dennis.

“Kinakausap ko po siya at may ritwal siyang ginagawa na pansarili para kumalma siya,” ani Dennis.

Ayon kay Dennis ang love scene ni Ellen ay naganap sa banyo, sa sofa, at isa sa kama. Ang tikiman naman nila ni Maja sa pelikula ay nangyari sa kitchen, bale paikot-ikot daw sa bahay.

Saan doon ang pinakamainit na eksena?

“Siguro po ‘yung kay Ellen dahil wala siyang inhibition sa mga eksenang ganoon kaya mas wild ng kaunti.

“Si Maja ay mas reserved lang ng kaunti pero ibinigay din po niya sa eksena talaga. Hindi niya ipinakita na nahihiya siya dahil sa pelikula ay may kaunting pagka-aggressive siya,”aniya pa.

Saan siya mas tinablan?

“Sa tatlong love scene, mayroon pong isa roon,” pag-amin niya.

Naikuwento rin ni Maja na tinapik siya ni Dennis after ng unang love scene. Nagtanong daw talaga si Maja kay Direk Chris Martinez kung ano ang ibig sabihin ni Dennis sa pagtapik na ‘yun kung okey ba siya, kung magaling ba siya?

“’Yun nga parang good job,” sabi ni Dennis.

Saan siya good job?

“Sa kabuuan ng eksena,” pakli ni Dennis.

Nagtawanan din na pati si Maja ay tumatapik na rin sa shooting. At pati si Ellen ay tinapik din ni Dennis.

“Kasi..siya ‘yung mas kinakabahan, eh,” sambit niya.

Sumakay tuloy si Maja na akala niya siya lang ang tinatapik ni Dennis pero silang dalawa pala.

“Áctually pati si Sir Richard (Yap), tinapik din niya (Dennis),”pagbibiro ni Maja sabay tawanan.

Pak!

PAKIKIPAGBALIKAN SA NAKARELASYON NA, POSIBLE

010515 jennylyn mercado dennis trillo

MUKHANG nakare-relate si Dennis Trillo sa bago niyang movie na You’re Still The One sa sitwasyon niya ngayon.

Si Jennylyn Mercado ba ay sinabihan na niya ng You’re Still the One? Hindi kasi namamatay ang chism na nagkabalikan sila.

“Kasi ‘pag sinabi mo ng ‘you’re still the one’, dapat sigurado ka na talaga. So ako, parang wala pa naman ako sa ganoon,”pag-iwas niya sa sagot.

Pero posible ba siyang ma-in love ulit sa babaeng dating nakarelasyon niya o sa ex niya?

“Depende siguro sa pinagsamasahan niyo, kung ano ang mga pinagdaanan niyo noong nakaraan na relasyon pero hindi pa rin talaga masasabi, eh. Depende sa mga sitwasyon,” medyo paiwas niyang sagot.

Hindi ba nag-a-apply ngayon sa present relationship niya?

“Posible siyang mangyari pero hindi siya nangyayari sa lahat ng relasyon. Mayroon sigurong pinipili. Pero hindi siguro sa lahat nag-a-apply,” sey niya na hindi matumbok ‘yung sitwasyon nila ngayon ni Jennylyn.

Binabalikan ba siya ng former relationship?

“Hayun, posible po siyang mangyari,” tipid niyang sagot.

Hindi na nasagot ni Dennis kung ilang percent na posible.

Tinanong na lang kung naniniwala ba siya na love is lovelier the second time around.

“Naniniwala rin. Katulad ng sinabi ko depende sa sitwasyon kung ano ang pinagdaaan niyo rati. Kung paano ulit ‘yung samahan niyo ngayon,” bulalas pa niya.

Sa mga sagot ni Dennis, parang may something ‘di ba?

Anyway, kasama ni Dennis sa pelikulang You’re Still The Onesina Maja Salvador, Richard Yap, Ellen Adarna, Melai Cantiveros, Jason Francisco. Showing na sa May 27 handog ng Star Cinema at Regal Entertainment.

 

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *