Saturday , April 20 2024

2 bata patay, 2 kritikal sa gumuhong pader

PATAY ang dalawang bata at kritikal ang dalawa pang biktima nang mabagsakan ng gumuhong pader ng isang abandonadong bahay sa Cardona, Rizal, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni Senior Insp. Michael Angeles, hepe ng pulisya, kinilala ang mga namatay na sina Joss Ember Julian, 9, at Jade Andrew Barquin, 6, habang malubha ang kalagayan sa pagamutan nina Alvin Lachica, 25, at Noah James Bautista y Bello, 5, pawang nakatira sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, dakong 9 a.m. hanggang 9:30 a.m. nangyari ang insidente habang masayang naglalaro ang mga biktima sa tila skeleton at abandonadong bahay na pag-aari ng isang nagngangalang  Ernie na matagal nang nasa ibang bansa.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

Ed Moreno

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *