Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pagpasok sa PNP  ng K-12 grads kinontra ng CSC

Pagpasok sa PNP  ng K-12 grads kinontra ng CSC

HINDI sang-ayon ang Civil Service Commission (CSC) sa panukala sa Kamara na magbibigay daan sa pagpasok sa PNP ng mga magtatapos ng K-12 bilang patrol officer.

Sa position paper na isinumite ng CSC sa House committee on public order and safety, ipinaliwanag ng komisyon na ang pagpasok sa PNP nang nakakuha lamang ng 72 collegiate units ay lalabag sa istruktura ng rank system ng gobyerno.

Ayon sa CSC, ang minimum requirement ng panukala para sa patrol officer ay salungat sa isinusulong na professionalization ng PNP at layuning mag-recruit lamang sa pulisya nang mayroong baccalaureate degree.

Inirekomenda ng komisyon na likhain na lamang ang posisyong patrol officer sa local government level na ang mga maitatalaga ay magsisilbing auxiliary police force lamang na tutulong sa PNP.

Ang panukala na payagang makapasok sa PNP ang K-12 graduates ay nakapaloob sa House Bills 2199 at 2518 nina Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.

COMMENTS
READ MORE:  Pasimuno sa Bilibid riot tutukuyin ng CIDG

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved