Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Manager ni Georgina, bitter pa rin sa alaga?

Manager ni Georgina, bitter pa rin sa alaga?

ni Alex Brosas

042215 georgina wilson

TAWA kami nang tawa sa pasaring ni Shirley Kuan kay Georgina Wilson.

Bitter-bitter-an si Aling Shirley nang tawaging niyang Was Girl imbes na It Girl si Georgina sa isang interview. Halatang nag-uumapaw ang kanyang kaasiman sa kanyang dating alaga na ang sabi niya’y nambastos sa kanya nang tumanggap ng project ng lingid sa kanyang kaalaman.

Helloo lang, Aling Shirley. Remember what you did to writer Arnel Ramos nang harangin mo ang pagdalo nito sa isang event for Maricel Soriano na binuo ng solid Maricel Soriano fans noong 2012?

Ang say ni Girlie Rodis, kapwa talent manager ni Shirley, hindi raw kilala ni Shirley si Arnel. Isa pa, afraid daw si Shirley na malaman ng writer-friends niyang invited si Arnel at sila ay hindi.

Biglang kumambiyo si Shirley, puwede na raw um-attend ang writer provided siya lang at hindi na niya isasama ang writer-friend niyang si Ces Evangelista.

At ngayon ngang hindi na hawak ni Shirley si Georgina ay katakot-takot na patutsada ang ginagawa niya sa dalaga.

 

 

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top