Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Handler nina K at Pooh, sakit ng ulo ng Bagon’s Films Production

Handler nina K at Pooh, sakit ng ulo ng Bagon’s Films Production

ni Roldan Castro

050615 k brosas pooh

PASOK sa banga ang chemistry nina K Brosas at Pooh para sa pelikula nilang Espesyal Couple under Bagon’s Films Production.

Pero how true na sumasakit ang ulo ng produ sa handler nila sa Backroom dahil wala raw sa kontrata na pinirmahan nila para mag-promote ang dalawa? Pero teka naman, sayang kung hindi ipo-promote nina K at Pooh ang Espesyal Couple dahil sila naman ang bida rito.

Makaaapekto rin sa kanila ‘pag nag-flop ang movie.

Sana maayos at maagapan ang gusot na ito sa Backroom.

Sobra pa namang nakatatawa ang batuhan nina Pooh at K sa pelikula na animoy nasa comedy bar lang.

Happy pa naman ang mga bagong producers na sina Boy Tan, Danty Bagon and Dhel Bagon Tan dahil nakaaaliw talaga ang pelikula na idinirehe ni Buboy Tan.

Posibleng sina K brosas at Pooh ang makaagaw pansin at threat sa trono nina Vice Ganda at Ai AI Delas Alas.

 

 

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top