Thursday , April 18 2024

2 preso sa BJMP Iloilo nagbigti

ILOILO CITY – Dalawang magkasunod na kaso ng suicide ang naitala sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-City District Jail sa Ungka, Jaro, Iloilo City.

Ang mga biktima ay parehong natagpuang patay makaraan magbigti sa loob ng comfort room.

Kasunod nito, nagsagawa ng imbestigasyon ang BJMP Regional Office at depresyon ang pinaniniwalaang dahilan ng dalawang magkasunod na kaso.

Ang unang biktima na si Christian Buivan, 24, ng Gustilo, Lapaz, Iloilo City, ay sinasabing depress sa kanyang pagkakasangkot sa illegal na droga na nagdulot ng problema sa kanyang pamilya.

Ganito rin ang pangalawang biktima na si Lenen Jerge Savalosa, 28, ng Lopez-Jaena, Jaro, Iloilo City na may kaso rin kaugnay sa illegal drugs.

Ayon kay Jail Senior Insp. Jimmy Britanico, pinuno ng Investigation and Prosecution Division ng BJMP Reg. 6, bagama’t may na-recover na suicide note ay magsasagawa pa rin sila ng imbestigasyon kung may foul play sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *