Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tambalang Iñigo at Julia, dream come true!

Tambalang Iñigo at Julia, dream come true!

ni Pilar Mateo

042915 inigo pascual julia barretto

A dream come true!

Imagine 10 years ago pa pala eh pangarap ng binuo ang Julia Barretto at Iñigo Pascual?

Nagkatotoo siya nang magsama ang dalawa sa Wansapanataym ngayong taon. At sa pelikula na ito mae-extend.

Sa kuwento ni Iñigo, nang makilala niya ang tita Claudine Barretto ni Julia na nakapareha na ng dad niya in some projects, ito pala ang nagsabi at nangarap na sana balang araw eh ito ang maka-tandem ng kanyang pamangkin.

Say naman ng Julia, during that time, she and Inigo got no chance to meet. Not until a contract signing for ABS-CBN na kasabay ni Julia si Papa P. at kasama nito si Inigo.

“There, we met each other and she wasn’t like what I expected. I mean sobrang bait niya, we got to exchange numbers, we became friends,” Inigo shared.

Kuwento pa ni Julia, “Inigo would text me na ‘Sana maging actor na ako r’yan (sa Philippines). Kaso my dad won’t let me.’”

“This tandem is actually a dream-come-true,” say ni Inigo.

“I’ve always believed in Inigo and I’m glad I got to work with him.”

Sa Para sa Hopeless Romantic, Julia & Inigo play the role of Maria & Ryan—fictional characters sa kuwentong isinulat ni Becca (played by Nadine Lustre) after ma-brokenhearted kay Nikko (played by James Reid).

Maria is a type of girl na takot ma-in love dahil takot siyang masaktan while Ryan is a type naman of guy who’s torpe at hindi maipagtapat ang pag-ibig kay Maria. Uuyy, maraming makare-relate sa mga eksena for sure!

Sabe, most of the kilig parts sa movie are nasa mga eksena nina Maria at Ryan kaya naman lalo kayong mae-excite for ‘JulNigo!’

Directed by Andoy Ranay, this opens May 13 in cinemas nationwide!

 

 

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top