Saturday , April 20 2024

Carl, itinatago raw BF ni Vice

ni Rommel Placente

050415 Vice Ganda carl guevarra

MADALAS mapanood ngayon si Carl Guevarra sa mga show ng TV5. Pero ayon sa kanya, wala naman siyang kontrata sa Kapatid Network. Kahit nga raw sa GMA 7 na madalas siyang magkaroon ng show, ay wala rin siyang pinirmahang kontrata.

“Per show lang ako, freelancer,” sabi ni Carl.

Nakarelasyon ni Carl si Kris Bernal. After ng kanilang break-up ay hindi pa ulit sila nagkikita. Kahit daw sa pamamagitan ng text ay wala silang komunikasyon ni Kris, pero hindi naman daw sila in bad terms.

“Hindi, hindi, hindi. Siguro natapos ‘yung relationship namin sa hanggang doon na lang. Kasi kung… feeling ko ‘pag may text pa, alam mo ‘yung mas mahirap mag-move on, ‘di ba?” paliwanag pa niya.

Samantala, nilinaw ni Carl na hindi totoong siya ang itinatagong tunay na boyfriend ni Vice Ganda.

“Hindi ako ‘yun,” natatawang sabi ni Carl.

“Before, naka-same condo kami pero ang tagal na ‘yun, 2010 pa. Nakakasabay ko siya sa elevator.”

Ngayon daw ay hindi na sila same building ni Vice. Sa ibang condo na raw kasi siya nakatira.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *