Saturday , April 20 2024

Alex, kulang ng tamang asal (Naka-o-offend sa pagtawag ng ‘hoy’)

ni Roldan Castro

042815 alex gonzaga

HALOS 95% ang laman ng Smart Araneta Coliseum sa nakaraang concert ni Alex Gonzaga. Maaliwalas ang mukha at nakangiti ang producer na si Joed Serrano nang saglit naming makatsikahan. Wala kaming nakikitang senyales sa kanyang mukha ng pagkalugi. Bandang 8:00 p.m. nakita namin sa monitor ng ticketnet sa Araneta na sold out ang VIP, Patron A, Patron B, Patron C, Upper Box. Sa loob ng Araneta nakita namin na ang bakante lang ay sa General Admission.

Nag-enjoy naman ang mga tao dahil hindi umalis kahit umabot ng lampas tatlong oras ang concert ni Alex. Pasado si Alex as first timer. Ilang beses kaming pinatawa ng singer-actress sa kanyang kakulitan, pagiging kikay. Ang pagiging naturalesa niya ang naging mitsa ng pagiging stand out niya noong gabing ‘yun. Itinodo naman niya, ibinigay naman niya lahat. Wala siyang paki kahit bumuyangyang siya na naka-tangga sa opening number. Kinanta at sinayaw niya ang Break Free na sinundan naman ng One Last Time. ‘Di hamak na mas maganda ang boses ni Alex kompara kay Toni kung seseryosohin lang niya.

Ibinuking naman ni Toni na mainit ang ulo ni Mommy Pinty dahil nakitaan ng bra si Alex sa entablado. Sa kanyang medley songs mula sa kanyang I Am Alex G album nagkaroon ng wardrobe malfunction si Alex. Three times na umakyak ang staff para ayusin ang likuran ng kanyang damit habang tuloy siya sa pagkanta. Kumbaga, the show must go on.

Naikuwento pa ni Toni na hindi pabor si Mommy Pinty ‘pag sexy ang isinusuot nila sa stage o maging sa ASAP. Lagi raw kasi kinu-question ng kanyang churchmates (Christian) ‘pag napapanood silang may sexy outfit.

“Hay naku, para kayong bold star,” tili ni Mommy Pinty.

Naikuwento rin ni Toni na muntik nang hindi maka-graduate ng high school si Alex noon dahil bagsak sa GMRC (Good Manners and Right Conduct). Dumating sa point na ipinatawag ng mga madre si Mommy Pinty. Nalaman niya na sinita ng madre si Alex dahil natutulog sa hallway at ang sagot daw ni Alex ay puyat siya kaya hayaan na siya.

Umuupo rin daw sa classroom na hindi naman niya klase.

May mga napansin din kaming asal ni Alex habang nagco-concert. Habang kumakanta ang Ate Toni niya sa entablado ay nangungulangot siya. Itinigil lang niya ang pagkalikot sa ilong noong siya na ang kakanta.

NAKA-O-OFFEND SA PAGTAWAG NG ‘HOY’

Maging aware rin si Alex na nakaka-offend siya sa attitude niya sa stylist niya at sa G-Force habang inaayusan siya sa stage. Paulit-ulit ‘yung pagtawag niya ng ‘hoy’. Kung ngayon pa lang na gumagawa siya ng pangalan ay ganyan ang treatment niya sa mga maliliit na tao, paano na kung super sikat na siya? Kung ang musical director niyang siJimmy Antiporda ay natatawag niya ng kuya, bakit hindi niya matawag ng may respeto ang maliliit na tao? Hindi maganda sa pandinig ‘yung pagtawag niya ng ‘hoy’.

Isa pang kulang kay Alex ay PR sa fans, ni minsan hindi namin narinig na mag-I love you too.

Kung hindi mababago ang asal na ito ni Alex, may tendency siya talagang lumaki ang ulo.

Wala si Kean Cipriano sa concert niya kaya two days before the concert ay at saka lang naimbitahan si Ryan Bang na mag-perform kasama sina Matteo Guidicelli at Joseph Marco. Hanep din ang showdown nila ni Maja Salvador na tumagaktak talaga ang pawis ni Alex. Humingi siya ng tissue na iniabot naman ni Bimby Yap sa stage na nalalaglagan ng shorts. Panay din ang biro ni Alex sa pagiging single ngayon ni Maja. ”Eto maganda,”sagot ni Maja.

Inokray ni Vice Ganda si Alex dahil nakitaan ito ng bra kaya nagtawanan. Noong paalis naman si Vice, napansin ni Alex kaya sinita niya sa stage. Walang nagawa si Vice kundi bumalik sa upuan. Kitang-kita raw kasi ni Alex ang paalis na si Vice dahil sa kulay ng buhok.

Malakas ang sigawan at palakpakan nang lumabas sa entablado si Toni. Pinagbiyan ni Toni si Alex sa dream niya na maging Anna at si Toni si Elsa kaya kumanta sila ng Frozen with outfit.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *