Saturday , April 20 2024

Pag-amin na lang ang kulang sa closeness nina Erich at Daniel

ni Ambet Nabus

042515 erich gonzales daniel matsunaga

INAMIN na nga ni Erich Gonzales na single na siya uli at free, hindi na rin tayo magugulat kung soon ay aminin na nila ni Daniel Matsunaga ang totoong status ng special friendship and bonding nila.

Kung dati ay sinasabi ni Erich na imposible siyang ma-fall kay Dandan (nickname ni Daniel) dahil mayroon siyang stable at masayang karelasyon, tila hindi na ‘yun totoo sa ngayon.

Kung dati ay parang gimik lang para sa show nilang Two Wives (na late ngang ipinasok ang karakter ni Daniel after his PBB stint and winning) ang lahat, this time around ay halos pag-amin na lang nila ang kulang lalo pa nga’t sinimulan na itong itsika ni Kris Aquino na nag-take pa ng credit na sa show niya nagsimula ang lahat.

Yes sa morning show nga ni Kris sila na-discover as love team, kumbaga lalo pa’t dumalas ang pagiging co-hosts nila kaya’t ngayon ay nag-iba na ang timpla at sinasabi na nga ni Erich na she’s single na uli at “malay” daw natin sa tinutuksong positive nilang tambalan sa totoong buhay?

Bagay na bagay naman sila sa totoo lang mareh! Ang question na lang natin dito eh hanggang kailan kaya ito? Or baka naman may something bigger and more exciting project na sila na talaga ang mga bida this time, ano sa palagay mo?

 

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *