Saturday , April 20 2024

Anna Dizon is back

040815 Anna Dizon

00 vongga chika peterAng ganda ng aura ngayon ni Anna Dizon, parang walang nabago sa looks ng singer business woman nang huli namin siyang bisitahin sa kanyang mansiyon sa Intramuros Village, Commonwealth.

Well marami kaming napagkuwentohan ni Anna at ilan sa mga nai-share nito sa amin ay gusto raw niyang balikan ang kanyang first love — singing. Matatandaang sumikat ang pangalan ni Anna noong late 90s at matagal ring panahon na pinag-usapan ang kanyang singing career na nakagawa siya ng dalawang hit albums sa BMG Records.

Kaliwa’t kanan rin ang mga naging radio and TV guesting ni Anna at madalas siyang mabasa sa mga magazine, tabloid at broadsheet. dahil sa kanyang popularidad ay na-feature pa siya sa “People” na dating sikat na show ni Ces Drilon sa ABS-CBN-2. Kahit nawala sa sirkulasyon, masaya ang tinaguriang “Singing Star of the New Millenium” na bi-nansagan din “Star Diva” ng namayapang vete-ran writer na si Oskee Sala-zar. Flattered rin siya dahil hanggang ngayon ay hindi raw siya nakalilimutan ng kanyang fans and supporters at malaki ang kanyang pasasalamat kay Dabarkads host, Joey de Leon. Dahil raw sa madalas na pagbanggit ni Tito Joey ng pangalan niya sa Eat Bulaga, tuwing may business trip siya abroad ay hindi lang ang mga kapwa Pinoy ang nakakakilala sa kanya. Maging ang mga ka-meeting na mga negos-yante ay aware na aware rin sa kanya.

Last March 14 ay bumiyahe pala si Anna sa bansang Brunei kasama ang Pinay friend na si Rebeca Gonzales para sa mahaha-lagang meeting sa bagong employer na si Mr. Wadood Khan, na owner ng sikat na POH HUA Curtain And Interior Designer Home Decor. Overwhelming si Anna dahil kahit na si Mr. Khan ay kilala rin siyang celebrity sa Pilipinas at sa sobrang tuwa raw ng negos-yanteng foreigner sa kanya ay kinunan pa siya ng series of photos.

Very thankful siya sa kabaitan nito at sa mainit na pagtanggap sa kanya sa five days na pag-stay niya sa bansa ganoon na rin sa partnership nila sa kanyang ATD International Services Incorporated. Dahil sa bagong job order na makukuha niya rito ay siguradong maraming kababayang Pinoy siyang matutulungan. Hindi lang si Mr. Khan ang na-meet na agency owner ni Anna maging ang CEO at President ng AGENSI PEKERJAAN ASDEEN na si Madam HjH AISAH BINTI Haji JERUDIN ay nakaharap rin nang personal at gusto niyang magpasalamat sa suportang ibinigay sa kanya ng Pinay na kanang kamay ni Madam Jerudin na si Sitti AISAH ABDULLAH at sa mister na si HaJi JOHARI BIN HAJI TUPOK.

Noong March 18, nakabalik na pala ng bansa si Anna na in-demand sa kanyang mga negosyo tulad ng matagal nang hawak na manpower agency na ATD International Services Incorporated na may opisina sa Unit II B No. 157 Gloria Bldg., A Bonifacio Ave., cor Agudo and Pag-asa St., na nasa tapat lang ng Bonifacio Market at ang kanyang Club Villa Anna International Holidays na last year pa nag-start ang pagbebenta ng time sharing. Dinudumog talaga sila ng buyers na mahihilig magbakasyon sa mga class na resorts and hotels. Ang sales at booking office nila ay located sa Penthouse Emerald Bldg. 24 F Ortigas Jr. Road, Ortigas Center.

Samantala open na pala ang application para sa bansang Brunei, at ang mga kailangan nila ay skilled workers, sales lady, office staff, waitress at waiters. Sa applicants pakidala lang ang inyong passport, resume, 2X2 picture at certification. Sa mga matatanggap may nag-aantay sa inyong good salary at two years ang kontrata sa trabaho.

Para sa mga karagdagang detalye at sa inyong

mga katanungan maaari kayong tumawag sa ATD office sa 355-9180.

 

ni Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *