Thursday , April 25 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Dumi at bowl sa panaginip

 

00 PanaginipGood am po,

Nanaginip po aqo aqo dw ay dumumi ang dami qo dw pong dumi… at may nakita po aqong babae at lalaki na nakaupo sa gilid ng bowl… ano po ba ang sabihin nun… (09464337407)

 

To 09464337407,

Ang panaginip mo hinggil sa dumi ng tao ay nagpapakita ng paglabas ng iyong damdamin o emosyon, o pag-aalis sa mga bagay na walang pakinabang sa iyong buhay. Puwede rin naman na may mga pagkakataong ganito na nananaginip ang isang tao na kailangan niyang magpunta sa banyo dahil iyon ang tunay na nararamdaman ng katawan niya habang natutulog. Tulad din ito na may mga pagkakataon na nakararamdam ka na naiihi sa panaginip, na kaya ito pumapasok sa panaginip ay dahil nararamdaman mo ito o kaya naman, nagpapadala ng mensahe ang iyong isipan sa nararamdaman ng iyong katawan.

Nagsasaad din ang panaginip mo na dapat gamitin ang full potential ng kakayahan mo sa lahat ng pagkakataon. Maaari rin naman na nagsasaad ito ng mga bagay na marumi at negatibo, pati na sa iyong sarili na pinaniniwalaan mo rin na hindi maganda.

Dapat mong kilalanin ang mga ito kahit pa maaaring nakakahiya man ito. Ilabas ang mga negative sa iyong buhay. May mga paniwala rin na kapag nanaginip ng dumi o human waste ay nagsasaad ito ng possession, pride, shame, money/financial matters, o aggressive acts. Kaya maaaring may kinalaman din ito sa agam-agam hinggil sa usapin sa pera at financial security.

Ukol sa toilet bowl, ito ay sumisimbolo sa pagre-release ng emosyon. Kailangan mong alisin sa iyong buhay ang mga bagay na useless at nagsisilbing pabigat lang sa iyong pag-unlad at katiwasayan.

Señor H.

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *