Friday , April 19 2024

17 konsehal, 100+ staff ng Makati ‘di makasasahod ngayong Marso  

makatiHINDI makasasahod ang 17 konsehal ng Makati City at 120 staff nila nga-yong katapusan ng Marso dahil sa isyu ng pagkakaroon ng dalawang alkalde ng lungsod. 

Ayon kay Councilor Mayeth Casal-Uy, hindi pinirmahan ni acting Ma-yor Romulo “Kid” Peña ang tseke para sa kanilang sahod dahil iginigiit na siya ang acting ma-yor ng lungsod. 

Sa bise alkalde nakaatas ang pag-awtorisa sa disbursement ng sahod ng Sangguniang Panlalawigan. 

Nangangamba si Casal-Uy na posibleng maantala muli ang kanilang sweldo sa susu-nod na buwan kapag tumanggi pa rin si Peña na ibigay ang lagda bilang vice mayor. 

Umapela na ang mga apektadong empleyado kay Peña. 

Samantala, nakatanggap na ng sweldo ang mahigit 8,000 empleyado ng munisipyo makaraan pirmahan ni Mayor Junjun Binay ang vouchers para sa Marso at Abril.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *