Saturday , April 20 2024

Daniel, humingi ng sorry kay Vice Ganda

 

ni Rommel Placente

022815 daniel padilla vice ganda

HUMINGI ng paumanhin si Daniel Padilla kay Vice Ganda pagkatapos itong i-bash ng fans nila ni Kathryn Bernardo dahil sa tingin ng mga ito ay maigsi lang ang ibinigay na exposure nang mag-guest sa Gandang Gabi Vice para sa promo ng movie, ang Crazy Beautiful You.

Nanawagan din si Daniel sa supporters nila ni Kathryn na humingi rin ng sorry kay Vice.

“Siyempre gusto naming humingi ng pasensiya kay Vice at nangyari ‘yun. Pero ako lang, ayaw ko gawin ‘yun kay Vice, kahit ako never kong maiisip ‘yun kay Vice so, tayong mga Kathniels ay mag-sorry tayo dahil hindi naman siya ‘yung may hawak ng editing eh,” sabi ni Daniel.

Dagdag niya, ”Sumusuporta nga siya sa amin eh so ganoon talaga, okay lang ‘yun guys, mag-sorry kayo kay Vice.”

Samantala, ang Crazy Beautiful ay kumita na ng P225-M. Kaya naman sobrang nagpapasalamat si Daniel sa lahat ng tumangkilik ng kanilang pelikula mula sa Star Cinema.

 

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *