Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Manliligaw ni Miles, ‘di pumasa kay Toni

Manliligaw ni Miles, ‘di pumasa kay Toni

ni Roldan Castro

032115 Toni Gonzaga Miles Ocampo Dominic Roque

HINDI pumasa sa standards ni Toni Gonzaga ang bagong lalaking nagpapatibok sa puso ng kapatid sa bagong episode ng hit comedy sitcom na Home Sweetie Home ngayong Sabado (Marso 21).

Makikilala ni Gigi (Miles Ocampo) si Warren (Dominic Roque), ang guwapong binata na magpapakita ng interes kaagad sa kanya. Niyaya ni Warren si Gigi na mag-coffee, pero ayaw pumayag ni ate Julie (Toni) dahil iba ang kutob niya rito. Papayuhan naman ni Ate Ems (Keana Reeves) si Julie na hayaang si Gigi ang makadiskubre ng totoong kulay ni Warren.

READ MORE:  Paul Cabral, Pepsi Herrera, at Randy Ortiz, magdidesenyo ng pangkasal ng Grand Couple
READ MORE:  Robin, enjoy pa sa pag-aalaga ni Mariel, kaya wala munang baby

Matuloy kaya ang coffee date nina Gigi at Warren? Alamin ngayong Sabado sa Home Sweetie Home, 6:00 p.m.! Abangan din ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows. Panoorin ang Banana Split: Extra Scoop tuwing Sabado pagkatapos ng Your Face Sounds Familiar, ang Banana Nite tuwing weekdays pagkatapos ng Bandila, angLUV U tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 20, at ang Goin’ Bulilit tuwing Linggo pagkatapos ng TV Patrol Weekend.

READ MORE:  Polo, nanawagan ng tulong pinansiyal para makapagpa-opera

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved