Thursday , April 25 2024

Robin, lalayasan pa rin ang ‘Pinas

031315 robin

00 fact sheet reggeeDESMAYADO si Robin Padilla sa desisyong ng Regional Trial Court na palayain si Sajid Ampatuan, ang suspect sa Maguindanao Massacre sa pamamagitan ng P11.6-M bail.

At dahil dito ay nagbitaw ng salita ang aktor na lalayasan niya ang Pilipinas dahil hindi na maganda ang nangyayari na palayain ang nasabing suspect.

Sa presscon ng Ascof Lagundi kahapon ay natanong ang aktor kung itutuloy pa niyang umalis ng Pilipinas gayung may bago siyang ine-endosong produkto at paano nga naman niya ito mapo-promote.

“Ang para sa akin, ang organic walang pinipiling lugar, kaya maski saan ako makarating, hindi naman siguro ako bibitawan ng Pascual (laboratories) o wala man sila ay tuloy-tuloy ako sa Organic revolution ko, nagkataon lang na pinagtagpo kami ng tadhana kaya nandito kaming dalawa. Isa lang ang sasabihin ko, hindi ako magpo-post ng isang bagay na hindi ako seryoso,” sagot ni Binoe.

At bago pala tinanggap ni Robin ang ASCOF Lagundi ay nakipag-deal muna siya sa may-ari ng Pascual Laboratory (Chairman Abraham F. Pascual) na susubukan muna niya ang nasabing produkto bago niya tatanggapin ang alok na gawin siyang ambassador.

“Noong unang pinitch sa akin ‘to, sabi ko ayaw ko ng mga gamot kasi hindi ako umiinom ng gamot kasi kami ni Mariel organic pero ‘noong nakita ko na-organic talaga ang ASCOF Lagundi pumayag na ako,” kuwento ng aktor.

Dagdag kuwento pa ni Robin, “marami po tayong gamot na maiinom na available over-the-counter nagagamutin ‘yung sakit mo pero sisirain naman ‘yung liver/kidney mo kaya sa organic tayo.

082314 Mariel Rodriguez robin padilla

ORGANIC ANG MGA KINAKAIN; MARIEL, FARMER NA

“Kapag nagkukuwentuhan kaming mag-asawa (Mariel Rodriguez), sinasabi ko parati na ‘siguradong mauuna ako sa ‘yong papanaw kasi mas matanda ako’, pero parati niyang sinasabi na, ‘hindi pahahabain ko ang buhay mo, hindi pupuwedeng mauna ka’. Minsan talaga nagiging corny kapag in love ka.

“Kaya ang naging solusyon ay take organic. Ganyan ang mga ginagawa sa mga first world country, organic na talaga sila at talagang healthy living sila.

“Si Mariel, noong first year naming dalawa, talagang pinag-aaralan muna namin kasi wala ka pa naman alam so bumibili pa lang.

“Second year, nagpupunta na kami sa iba’t ibang bansa para pag-aralan kung ano ang organic, nakarating kami ng Sweden, Spain, kasi lahat ng tao roon, puro organic.

“’Yung third year namin, nagtatanim na po kami, into farming na siya ngayon. Ganoon na po kami kaseryoso sa organic. Kaya noong dumating itong offer, Askof, nagulat kami kasi organic, eh, nag-aaral pa si Mariel sa General Santos City, sa Saranggani, eh, mayroon naman pala sa Nueva Ecija, one-hour and a half lang sa Maynila.

“‘Yung ginagawa po naming (organic) ay para humaba ang aming love story (pagsasama), organic na pamumuhay,” mahabang salaysay ni Robin.

At ang mga nabago na raw sa buhay nila ni Mariel simula ng nag-organic sila ay, “noong panahon ng ako’y nasa kadiliman dahil sa droga, buwan-buwan yata ay nasa hospital ako, bata pa ako noon.

“Eh, ngayon ho (may edad na) mula ng mag-organic ako, wala kayong mababalitaang na-ospital ako.

Katawang pang-18 taong gulang

“‘Yan ho ang isang bagay na ipagyayabang ko. Ako po ay very lean, at masasabi ko po na maski hawakan ninyo ang mukha ko ngayon ay wala ‘yang tulong ng kahit na sinong derma, hindi po ako nagpapa-derma, wala po akong bahid na kahit na anong salamat dok.

“Very healthy po ako, hindi ko maipaliwanag, ang sabi lang po ng doktor tuwing magpapa-check up ako, ‘you are a body of an 18 year old man, (sigawan ang tao) at ‘yung performance naman po, siguro si Mariel na lang ang tanungin ninyo,” tumatawang pahayag pa ng aktor.

Natawa naman ang aktor nang tanungin siya kung isa-suggest niya kay Sharon Cuneta na uminom ng Ascof Lagundi dahil inuubo at walang boses nang humarap ito sa media sa nakaraang solo presscon nito sa ABS-CBN.

“Si ma’m Shawie, organic na ‘yun, si Senator Kiko (Pangilinan), nag-farmer na ‘yun, kaya organic na sila, sige, bibigyan ko. Baka nga alam din ni mam (Sharon) kasi si Senator, nag-farmer sila ng dalawang taon din yata kaya posibleng may alam siya sa organic.

“Kaya posibleng tatanggapin ni mam (Sharon) ito, pero huwag lang niya akong papalitan (endorser) kasi ako na ito, maganda kung dalawa na kami, ‘maging sino ka man, Ascof’,” natawang pahayag ng dating leading man/karelasyon ni Shawie.

Willing bang gumawa ng pelikula si Robin kasama si Sharon.

“Siguro sa abroad kami gagawa ng pelikula,” mabilis na sagot ng aktor.

ni REGGEE BONOAN

 

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *