Thursday , April 18 2024

Sharon, inaming pansamantalang nawala ang ningning

ni Pilar Mateo

031115 Sharon Cuneta 2

THE face…The voice! The mega package!

At ang magandang balita—isa ring nagbabalik-tahanan sa Kapamilya ang magiging isa sa judges ng nasabing palabas together with Jed Madela and Gary Valenciano—the one and the only Megastar na si Sharon Cuneta!

A tearful Sharon inked her new contract (for the show muna) na sinalihan ng ABS-CBN bigwigs—Charo Santos Concio, Malou Santos, Cory Vidanes, at direk Laurenti Dyogi.

“I am home rightfully where I belong. Sabi nga ni KC (Concepcion), it’s just like parang nakipag-divorce ako. Na iniwan ko pero mahal na mahal ko naman.”

Was the negotiation that easy?

“Nandyan pa si Don Geny (Lopez) they already made me feel that I am part of a family. I didn’t lose contact or communications naman with them. So, after na matapos na ako sa kabila, nagkikita-kita naman kami. Over those secret meetings lang medyo napapag-usapan ‘yung wish ko na I want to go back to acting. Kasi miss ko talaga siya. Hindi naman ako nagprisinta.

“Mahabang kuwento kasi. Kaya nga noong magharap-harap uli kami, roon nagkaroon ng kalinawan over things that were blown out of proportion. Kaya ‘yang mga third party sabi-sabi, not good. Kaya kung mayroon kang tampo, himdi ‘yun dapat ilihim sa taong may tampo ka. Dapat hindi rin ‘yun ipadaan sa isa or ‘yung may bridge-bridge. It could have been fixed. Iba-iba kasi ang masasabi. Why did I let go of that trust. How stupid and selfish of me. Now nagkaharapan. Umpisa pa lang ng meetings namin nagkasabihan at nagkalinawan na. Lesson learned. Lumabas lang na mali lahat ng inisip ko na you should listen to people where there’s lots of love between you.”

For the Mega, it was just one solitary trek in looking inside herself.

“’Di ba? Parang nakauwi ka lang ng bahay mo. And you feel soooo good na you’re home na. Na makakahinga ka na. Dinaanan ko na ang pagiging ‘Bituing Walang Ningning’, ngayon ‘Sana’y Wala Ng Wakas’ na uli.”

She’s sooo back! And we know she will be here for a longer while dahil gusto na niyang mag-teleserye. And wanting to work with everyone! Piolo Pascual and Paulo Avelino included.

“’Pag may project na nawala sila o hindi natuloy na ako ang kasama, alam niyo na na hindi ako ang umayaw ha!” said she matter-of-factly!

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *