Thursday , April 25 2024

Pagiging ‘cougar’ ni Carmina, ‘di bagay

ni Ed de Leon

031215 Carmina

MUKHA bang “cougar” si Carmina Villaroel? Ang sinasabing “cougar” ay iyong mga babaeng may edad na at nagkakagusto sa mga mas batang lalaki. Iyon ang role ni Carmina roon sa Bridges of Love, iyong bago nilang tele serye sa Channel 2. Kung kami ang tatanungin, parang hindi bagay dahil napakaganda ni Carmina at hindi naman siya mukhang “cougar”.

Pero iyon nga ang role, na sinasabi ni Carmina na ngayon lamang niya gagawin, at pinaniniwalaan naman niyang magagawa niya nang mahusay. Eh wala rin namang kuwestiyon doon, isang mahusay na aktres si Carmina.

Pumayag din daw si Carmina sa mga sexy scene na kasama si Paulo Avelino. Pero sigurado naman iyang walang delikado, hindi naman papayagan sa TV iyong matindi talaga, kahit sabihing SPG pa siya. Natural lang na mas mahigpit ang ratings sa telebisyon.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *